Posts

Showing posts with the label pantas

Miyerkules ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan UNANG PAGBASA Job 9, 1-12. 14-16 Pagbasa mula sa aklat ni Job Ang sagot ni Job sa kanyang mga kaibigan: “Iyan ay dinig ko na noon pa mang una, ngunit sinong tao kaya ang tatalo sa kanya? Sino ang sa kanya’y maaaring mangatwiran? Sa sanlibo niyang tanong, di masagot ang isa man. Ang Diyos ay matalino at makapangyarihan, sino kaya ang sa kanya ay makalalaban? Walang sabi-sabing inuuga yaong bundok, sa tindi ng kanyang galit, ito’y kanyang dinudurog. Itong sangkalupaan ay kanyang nayayanig. At nauuga niya ang saligan ng daigdig. Napipigil sa pagsikat ang silahis nitong araw, At kanyang naitatago ang tala sa kalangitan. Siya lamang ang lumikha sa sangkalangitan, at sa bangis nitong dagat, walang ibang makasaway. Ang “Malaking Diper” at “Orion” ay siya lamang ang may lalang, pati na ang Pleyades at mga kumpol na bituin sa timugan. Makapangyarihan niyang gawa ay hindi maunawaan, ang milagrong gawa niya sa dami ay di mabilang. Siya’y ...

Linggo - Enero 8, 2012, Epifania ng Panginoon

Image
Linggo - Enero 8, 2012 Epifania ng Panginoon Unang Pagbasa Isaias 60:1-6 Ang Magandang Kasasapitan ng Jerusalem 1 Bumangon ka, Jerusalem, at sumikat na tulad ng araw. Liliwanagan ka ng kaluwalhatian ni Yahweh. 2 Mababalot ng kadiliman ang buong daigdig; ngunit ikaw ay liliwanagan ni Yahweh, at mapupuspos ka ng kanyang kaluwalhatian. 3 Ang mga bansa ay lalapit sa iyong liwanag, ang mga hari ay pupunta sa ningning ng iyong pagsikat. 4 Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran, ang lahat ay nagtitipun-tipon upang magtungo sa iyo; manggagaling sa malayo ang mga anak mong lalaki; ang mga anak mong babae'y kakargahing parang mga bata. 5 Magagalak ka kapag nakita sila; sa iyong damdami'y pawang kasiyahan ang madarama; sapagkat malaking yaman buhat sa karagata'y iyong matatamo, at mapapasaiyo ang kayamanan ng maraming bansa. 6 Darating ang maraming pangkat ng kamelyo mula sa Midian at Efa; buhat sa Seba ay darating silang may dal...

San Alberto Magno

Image
Ang dakilang San Alberto (St. Albertus Magnus) ay pintakasi ng mga siyentipiko at naging guro ni Santo Thomas ng Aquinas. Itinuturing siyang pinakamagaling na pilosopo at teologong Aleman ng mga siglong panggitna. Siya ay nanguna sa mga nanguna sa mga taong may malaking kaalaman na gamitin ang pilosophia ni Aristotle sa kristianong isipan noong kapanahunan niya. Ang Iglesia Katoliko Romana ay tinuturing siyang isa sa mga pantas ng simbahan bilang pankalahatang pantas (Doctor Universalis). Siya ay panganay na Anak ng conte ng Bollstadt, ipinanganak sa Lauingen, Swabia, timog-kanlurang panig ng Alemanya noong taong 2005. Walang nakakaalam kung saan siya nagaral noong kamuraang edad niya na maaring natanggap niya sa sariling tahanan o sa malapit na paaralan. Noong kabataan niya ay pinadala siya sa unibersidad ng Padua. Napili ang lungsod na ito dahildoon nakatira ang kanyang tiyo at ang Padua ay kilala sa kanyang kultura at sining na kung saan ang binatilyo ay may hilig. Noong 1223 ay ...