Rene Manipol

Isa sa mga binibigyan pagpapahalaga ng Iglesiang Katolika ay ang paalala sa mga taon ang Sakramento ng Pagpapahid ng Langis sa mga Maysakit. isang serbisyo ng simbahan na ipinahayag ng ating Panginoong Hesukristo na kaya siya pumarito sa daigdig na ito ay hindi lamang sa mga may kasalanan kundi gayon din sa lahat na pinahihirapan sa daigdig na ito kasama na ang mga may karamdaman sa katawan. Patuloy ang katekesis para maunawaan ng mga tao na kinakailangan nila ang sakramento ng 'pagpapahid ng Langis' ay hindi lamang para ihanda sila sa espiritwal nilang kalalagayan ngunit upang malunasan din ang kanilang hirap na pinagdudusahan gawa ng kanilang karamdaman.  

Minsan nang nabigyan ng pagpapahid ng langis si Rene ngunit nais niya pa rin itong ulitin. Matagal na ang una niyang pagkakataon. Hindi naman pinagbabawal ang pag uulit ng 'Pagpapahid ng Langis sa Maysakit'. Sa pagkakataon na ito ay may taimtim siyang panalangin dahil sa tindi ng kanyang paghihirap. Nahihirapan na siyang huminga. May sakit siya sa puso at ang hatol sa kanya ay kailangan niyang mapalitan na ang kanyang puso kung sakaling kakayanin.Mahirap lang sila at hindi madali ang maghanap n puso na ipapalit para mabuhay. Kaya, ang hiling niya ay kung kukunin siya ng Panginoon ay kunin na siya agad sapagkat hindi lamang siya nahihirapan kundi ang kanyang boung pamilya. May asawa at dalawang anak na babae siya. Ilang linggo na siyang di nakatulog at kapag sinumpong ang kanyang sakit ay di narin nakakatulog ang kanyang pamilya.

May mga paghihirap tayong nararanasan sa daigdig na ito na pwede nating ialay sa panginoong para sa pagbabawas ng kaparusahan sa mga nagawa nating pagkakasala at sa ating mga mahal sa buhay. Redemptive sufffering sa wikang banyaga na ang mga kaakibat na panalangin natin na inaalay gawa ng ating paghihirap na ginawa natin sa ating sarili o dahil na rin sa kasalukuyang pagkakataon katulad ng kay Rene ay maaring makatulong sa ating kapwa para mabawasan ang paghihirap na pwede nating danasin gawa ng pagkakasala natin. Bagama't wag rin nating kalimutan na ang pagkahabag ng Diyos ay maari ring ilayo tayo sa kaparusahang darating gawa ng kanyang awa at dahil nakita niya ang katapatan ng ating puso sa ating walang sawang pamimintuho sa kanya

Share

Comments