Posts

Showing posts with the label langis

Lukas 16:1-13

Image
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “May katiwala ang isang mayaman, at isinumbong sa kanya na nilulustay ng katiwala ang kanyang kayamanan. Ipinatwag niya ito at sinabi sa kanya: ‘Ano itong naririnig ko tungkol sa iyo? Magsulit ka sa akin ng iyong pangangaiswa dahil hindi ka na makapangangasiwa.’ “At inisip ng katiwala: ‘Tatanggalin ako ngayon sa pangangasiwa ng aking panginoon. Ano ang gagawin ko? Kulang ako ng lakas para magbungkal ng lupa, nahihiya naman akong magpalimos. Ah, alam ko na ang gagawin ko. At pagkatanggal sa akin sa pangangasiwa, may mga magpapatuloy sa akin sa kanilang mga bahay.’ “Kaya tinawag niyang isa-isa ang mga may-utang sa kanyang panginoon. Tinanong niya ang una: ‘Magkano ang utang mo sa aking panginoon? Sumagot ito: ‘Sandaang galon ng langis.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang iyong resibo; maupo ka agad at isulat mo: Limampu.’ Tinanong naman niya ang ikalawa: ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’ Sumagot siya: ‘Sanlibong takal ng trigo.’ Sinabi ng katiwala: ‘Na...

Mateo 25:1-13

Image
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Tinutukoy ng kuwentong ito ang mangyayari sa Kaharian ng Langit. Sampung abay na dalaga ang lumabas na may dalang lampara para sumalubong sa nobyo. Hangal ang lima sa kanila, at matalino naman ang lima pa. Dinala ng mga hangal na aba yang kanilang mga lampara nang walang reserbang langis. Ngunit dinala naman ng matatalino ang kanilang mga lampara na may reserbang langis. Natagalan ang nobyo kaya inantok silang lahat at nakatulog. Ngunit nang hatinggabi na, may tumawag: ‘Dumarating na ang nobyo; lumabas kayo at salubungin siya!’ Nagising silang lahat noon at inihanda ang kanilang mga lampara. Sinabi ng mga hangal sa matatalino: ‘Bigyan naman ninyo kami ng inyong langis dahil mahina na ang ningas n gaming mga lampara.’ Sumagot ang matatalino: ‘Baka kulangin ang langis para sa amin at para sa inyo. Mabuti pang kumuha kayo sa mga nagtitinda at bumili para sa inyo.’ “Nakaalis na sila para bumili nang dumating ang nobyo; ang mga handa na ay sumama s...

Rene Manipol

Image
Isa sa mga binibigyan pagpapahalaga ng Iglesiang Katolika ay ang paalala sa mga taon ang Sakramento ng Pagpapahid ng Langis sa mga Maysakit. isang serbisyo ng simbahan na ipinahayag ng ating Panginoong Hesukristo na kaya siya pumarito sa daigdig na ito ay hindi lamang sa mga may kasalanan kundi gayon din sa lahat na pinahihirapan sa daigdig na ito kasama na ang mga may karamdaman sa katawan. Patuloy ang katekesis para maunawaan ng mga tao na kinakailangan nila ang sakramento ng 'pagpapahid ng Langis' ay hindi lamang para ihanda sila sa espiritwal nilang kalalagayan ngunit upang malunasan din ang kanilang hirap na pinagdudusahan gawa ng kanilang karamdaman.   Minsan nang nabigyan ng pagpapahid ng langis si Rene ngunit nais niya pa rin itong ulitin. Matagal na ang una niyang pagkakataon. Hindi naman pinagbabawal ang pag uulit ng 'Pagpapahid ng Langis sa Maysakit'. Sa pagkakataon na ito ay may taimtim siyang panalangin dahil sa tindi ng kanyang paghihirap. Nahihirap...