Lunes - Nobyembre 14, 2011 Ika-33 na Ordinaryong Linggo
Lunes - Nobyembre 14, 2011 Ika-33 na Ordinaryong Linggo Unang Pagbasa 1 Macabeo 1: 10-63 Si Antioco Epifanes at ang mga Taksil na Judio 10 Sa lahi ng mga ito'y may lumitaw na masamang hari. Ito'y si Antioco Epifanes, na anak ni Haring Antioco III ng Siria. Siya'y isa lamang bihag sa Roma bago siya naging hari ng Siria. Nagsimula siyang maghari nang taong 137. 11 Noong kapanahunan ni Antioco Epifanes, may lumitaw sa Israel na masasamang Judio na ayaw sumunod sa Kautusan, at inaakit pa ang mga mamamayan na makipagkasundo sa mga Hentil sa palibot nila. "Makipagkasundo na tayo sa kanila; wala naman tayong napapala sa hindi pakikipagkasu...