Posts

Showing posts with the label 27

Martes - Disyembre 27, 2011

Image
2Martes - Disyembre 27, 2011 Unang Pagbasa 1 Juan 1:1-4 Ang Salitang Nagbibigay-buhay 1 Sumusulat kami sa inyo tungkol sa kanya na sa simula pa'y siya na, ang Salitang nagbibigay-buhay. Siya ay aming narinig at nakita, napagmasdan at nahawakan. 2 Nahayag ang buhay na ito, nakita namin siya, at pinapatotohanan namin at ipinapangaral sa inyo ang buhay na walang hanggan na nasa Ama at nahayag sa amin. 3 Ipinapahayag nga namin sa inyo ang aming nakita't narinig upang makasama kayo sa aming pakikiisa sa Ama at sa kanyang Anak na si Jesu-Cristo. 4 Isinusulat namin ito upang malubos ang ating kagalakan. Salmo Awit 97:1-12 Si Yahweh ang Kataas-taasang Hari 1 Si Yahweh ay naghahari, magalak ang buong mundo! Magsaya nama't magdiwang, lahat kayong mga pulo! 2 Ang paligid niya'y ulap na puno ng kadiliman, kaharian niya'y matuwid at salig sa katarungan. 3 Sa unahan niya'y apoy, patuloy na...

Linggo - Nobyembre 27, 2011,Unang linggo ng Adbiyento

Image
Linggo - Nobyembre 27, 2011     Unang linggo ng Adbiyento Unang Pagbasa                             Isaias 63:16–64:7 1st Sunday of Advent - First Reading: Isaiah 63:16-19 – More PowerPoint presentations from Daniel Mayne 16 Kung walang nagawa sa amin si Jacob at Abraham, ikaw lamang, Yahweh, ang aming pag-asa at Amang aasahan; tanging ikaw lamang ang nagliligtas ng aming buhay. 17 Bakit ba, O Yahweh, kami'y tinulutang maligaw ng landas, at ang puso nami'y iyong hinayaang maging matigas? Balikan mo kami at iyong kaawaan, mga lingkod mo na tanging iyo lamang. 18 Kami, na iyong banal na bayan ay sandaling itinaboy ng mga kaaway; winasak nila ang iyong santuwaryo. 19 Ang turing mo sa amin ay parang hindi mo pinamahalaan; ang nakakatulad ay mga nilalang na di nakaranas na iyong pagharian. 1 Bakit hindi mo buksan ang langit at bumaba ka s...