Biyernes - Nobyembre 25, 2011 Paghahari ni Kristo sa Sanlibutan (Catalina ng Alexandria) Ebanghelyo (Gospel),Lucas 21: 29-33
Biyernes - Nobyembre 25, 2011 Paghahari ni Kristo sa Sanlibutan (Catalina ng Alexandria) Unang Pagbasa Daniel 7: 2-14 2 Isang gabi nakita ko na kabi-kabila ay binabayo ng malakas na hangin ang malaking dagat. 3 Mula sa dagat ay may umahong apat na iba't ibang halimaw. 4 Ang una ay parang leon, ngunit may mga pakpak ng agila; habang ako'y nakatingin, nabunot ang mga pakpak nito. Umangat ito sa lupa at tumayong parang tao. Binigyan ito ng isip ng tao. 5 Ang ikalawa naman ay parang oso. Ang dalawang paa lamang nito sa huli ang inilalakad at may kagat pang tatlong tadyang. May tinig na nag-utos dito, "Sige, magpakasawa ka sa karne." 6 Ang ikatlo ay kahawig ng leopardo. Ito'y may apat na pakpak sa likod tulad ng sa ...