Posts

Showing posts with the label 40

Biyernes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Filipos 1, 1-11 Ang simula ng sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Filipos Mula kina Pablo at Timoteo, mga alipin ni Kristo Hesus – Sa mga taga-Filipos na hinirang ng Diyos at nananalig kay Kristo Hesus, gayun din sa mga tagapangasiwa at sa mga tagapaglingkod: Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan ng Diyos na ating Ama at ng Panginoong Hesukristo. Nagpapasalamat ako sa Diyos tuwing maaalaala ko kayo. Ang aking mga panalangin para sa inyo ay laging puspos ng kagalakan dahil sa inyong tulong sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita tungkol kay Kristo, mula nang ito’y inyong tanggapin hanggang sa kasalukuyan. Tinitiyak ko sa inyong ang mabuting gawa na pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa Araw ng pagbabalik ni Kristo Hesus. Marapat lamang na pahalagahan ko kayo nang ganito, sapagkat kayo’y mahal sa akin. Naging kahati ko kayo sa mga pagpapala ng Diyos noon pa mang ako’y nagtatanggol at nagpapalaganap ng Mabuting Balita, maging ngayong nakabilanggo...

Mateo 4:1-11

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoón ayon kay San Mateo 4:1-11 Noong panahong iyon: si Hesús ay dinala ng Espiritu sa ilang upang tuksuhin ng diyablo. Doon, apatnapung araw at apatnapung gabing nag-ayuno si Hesús, at siyá’y nagutom. Dumating ang manunukso at sinabi sa kaniyá, “Kung ikaw ang Anak ng Diyós, gawin mong tinapay ang mga batong ito." Ngunit sumagot si Hesús, “Nasusulat, ‘Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang namumutawi sa bibig ng Diyós.’ ” Pagkatapos nito’y dinala siyá ng diyablo sa taluktok ng templo sa Banal na Lunsod. “Kung ikaw ang Anak ng Diyós,” sabi sa kaniyá, “magpa tihulog ka, sapagkat nasusulat, ‘ipagbibilin niyá sa kaniyáng mga anghel na ingatan ka, aalalayan ka nila, upang hindi ka matisod sa bato.’ ” Sumagot si Hesús, “Nasusulat din naman, ‘Huwag mong subukin ang Panginoón mong Diyós.’ ” Pagkatapos, dinala din siyá ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Mula roo’y ipinatanaw sa kaniyá ang lahát ...

40 Mayayaman sa Pilipinas

Image
Pinangalingan ng Larawan Isang listahan ang natagpuan ko sa sayt ang Abs-Cbn na naglalaman ng pinakamayaman dito sa Pilipinas. Mula sa kulang-kulang na sampung bilyong dolyares hanggang 140 milyong dolyares. Ganito na pala kayayaman ang mga Pilipino. 1) Henry Sy - $9.1 billion (SM Prime) 2) Lucio Tan - $4.5 billion (Phillip Morris Fortune Tobacco) 3) Enrique Razon Jr. - $3.6 billion (International Container Terminal Services) 4) John Gokongwei Jr. - $3.2 billion (JG Summit) 5) David Consunji - $2.7 billion (DMCI) 6) Andrew Tan - $2.3 billion (Alliance Global) 7) Jaime Zobel de Ayala - $2.2 billion (Ayala Corp.) 8) George Ty - $1.7 billion (Metropolitan Bank) 9) Roberto Ongpin - $1.5 billion (Atok-Big Wedge) 10) Eduardo Cojuangco Jr. - $1.4 billion (San Miguel) 11) Roberto Coyiuto Jr. - $1.3 billion (National Grid) 12) Tony Tan Caktiong - $1.25 billion (Jollibee Foods) 13) Lucio and Susan Co - $1.2 billion (Puregold Price Club) 14) Iñigo and Mercedes Zobel - $1.15 billion (...

The Word Exposed - First Reading (Dec4)

Image
The Word Exposed - First Reading (Dec. 4) Isaiah 40:1-5, 9-11, Second Sunday of Advent, Year B

Ika-2 Linggo ng Adbiyento (B) — Biyoleta Disyembre 4, 2011

Image
Ika-2 Linggo ng Adbiyento (B) — Biyoleta Disyembre 4, 2011 Unang Pagbasa (Umupo) Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias (40:1-5, 9-11) “Aliwin ninyo ang aking bayan,” sabi ng Diyos. “Aliwin ninyo sila.” Inyong ibalita sa bayang  Jerusalem, na hinango ko na sila sa pagka-alipin; pagkat nagbayad na sila nang ibayo sa pagkakasalang ginawa sa akin.  May tinig na sumisigaw: “Ipaghanda ang Panginoon ng daan sa ilang; isang patag at matuwid na lansangan para sa ating Diyos. Tambakan ang mga lambak, patagin ang mga burol at bundok, at pantayin ang mga baku-bakong daan. Mahahayag ang kaningningan ng Panginoon at makikita ng lahat. Siya mismo ang nagsabi nito.”  At ikaw, O Jerusalem, mabuting balita ay iyong ihayag. Ikaw, Sion, umakyat ka sa tuktok ng bundok. Ikaw ay sumigaw, huwag kang masisindak, sabihin sa Juda, “Narito ang i...