Posts

Showing posts with the label 89-175

Huwebes - Nobyembre 10, 2011, Ika-32 na Ordinaryong Linggo (Dakilang Papa San Leon)

Image
Huwebes - Nobyembre 10, 2011     Ika-32 na Ordinaryong Linggo  (Dakilang Papa San Leon) Unang Pagbasa                Karunungan ni Solomon 7:22–8:1 22 sapagkat ang Karunungan na humugis sa lahat ng bagay ang siyang nagturo sa akin. Ang Likas ng Karunungan Ang diwa ng Karunungan ay matalino at banal. Iisa ang kanyang likas ngunit nahahayag sa maraming paraan. Siya'y dalisay at walang katawang materyal, at malayang kumikilos; malinis, nagtitiwala at di maaaring mapinsala; maibigin sa mabuti, matalas at di malulupig. 23 Ang Karunungan ay mapagkawanggawa, mabait, matatag, tiyak, hindi nababalisa, makapangyarihan at mulat sa lahat ng bagay. Ang Karunungan ay laganap sa lahat ng diwang matalino, matalas at dalisay. 24 Sapagkat ang Karunungan ay mas mabilis kaysa anumang kumikilos, at dahil sa kanyang kadalisayan, siya'y laganap sa lahat ng bagay. 25 Siya ay tilamsik ng kapangyarihan ng Diyos, ma...