Posts

Showing posts with the label Adbiyento

Unang Linggo ng Adbiyento Taon A

Image
Sambuhay para sa Unang Linggo ng Adbiyento Taon A   Unang Linggo ng Adbiyento Taon A

Linggo - Disyembre 18, 2011 Ika-4 Linggo ng Adbiyento

Image
Linggo - Disyembre 18, 2011 Ika-4 Linggo ng Adbiyento Unang Pagbasa 2 Samuel 7:1-16 Ang Kasunduan ng Diyos kay David 1 Si David ay panatag nang nakatira sa kanyang palasyo. Sa tulong ni Yahweh, hindi na siya ginambala ng kanyang mga kaaway. 2 Tinawag niya si Natan at sinabi, "Ang tahanan ko'y yari sa sedar, samantalang nasa isang tolda lamang ang Kaban ng Diyos." 3 Sumagot si Natan, "Isagawa mo ang iyong iniisip, sapagkat si Yahweh ay sumasaiyo." 4 Ngunit nang gabi ring iyon, sinabi ni Yahweh kay Natan, 5 "Pumunta ka kay David na aking lingkod at sabihin mo, 'Ipagtatayo mo ba ako ng tahanan? 6 Mula nang ilabas ko sa Egipto ang Israel, wala pa akong bahay na masasabing akin. Hanggang ngayo'y tolda pa ang aking tahanan. 7 Kahit lagi akong kasama ng Israel, wala akong sinabing anuman sa sinumang pinuno tungkol sa tahanang sedar na dapat kong tirhan, gayong ako ang pumili sa kanila upang mamahala sa aking kawan.'...

Ika-2 Linggo ng Adbiyento (B) — Biyoleta Disyembre 4, 2011

Image
Ika-2 Linggo ng Adbiyento (B) — Biyoleta Disyembre 4, 2011 Unang Pagbasa (Umupo) Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias (40:1-5, 9-11) “Aliwin ninyo ang aking bayan,” sabi ng Diyos. “Aliwin ninyo sila.” Inyong ibalita sa bayang  Jerusalem, na hinango ko na sila sa pagka-alipin; pagkat nagbayad na sila nang ibayo sa pagkakasalang ginawa sa akin.  May tinig na sumisigaw: “Ipaghanda ang Panginoon ng daan sa ilang; isang patag at matuwid na lansangan para sa ating Diyos. Tambakan ang mga lambak, patagin ang mga burol at bundok, at pantayin ang mga baku-bakong daan. Mahahayag ang kaningningan ng Panginoon at makikita ng lahat. Siya mismo ang nagsabi nito.”  At ikaw, O Jerusalem, mabuting balita ay iyong ihayag. Ikaw, Sion, umakyat ka sa tuktok ng bundok. Ikaw ay sumigaw, huwag kang masisindak, sabihin sa Juda, “Narito ang i...