Posts

Showing posts with the label Ebanghelisasyon

Pambansang Buwan ng Katekesis 2020

Image
Bawat taon ang simbahang katoliko sa boung daigdig ay nagdiriwang ng  araw ng katekista at  ang mga Pilipinong Katoliko ay nagdiriwang ng buwan ng katesismo. Kalimitan ang bawat Katekista ay nagtitipon sa bawat Diocese upang ipagdiwang sa napiling araw sa buwan ng setyembre ang Pangdiyosesanong pagtitipon ganon din ang bawat mga catechetical director ng bawat diocese at mga napiling mga pari ay nagtitipon tuwing bakasyon taon taon ma kung tawagin ay Summer Catechetical Seminar for Priest (SCIP) ay  hindi po natuloy sa taong ito dulot ng pandemia na Covid 19 na nagsimula noong Marso ng kasalukuyang taon. Ngayong taon sa gitna ng pandemic ng Covid 19 ang tema ay FRUITFUL CATECHESIS: HEALING MISSION & THE NEW EVANGELIZATION MABUNGANG KATEKESIS: MISYONG NAGHIHILOM AT ANG BAGONG EBANGHELISASYON. Ang temang ito ay bingyan ng pagninilay ni Reberendo Padre Ernesto Belen bilang Executive Secretary ng Catholic Bishop's Conference of the Philippines - Episcopal Commission on...

Liham Pastoral sa Panahon ng Bagong Ebanghelisasyon

Image
Buhay Kristo, Ibahagi si Kristo Tungo sa ating Ika-Limang Daan Humayo kayo at gawin ninyong mga alagad (Mt. 28:19) Ang kapulungan ng mga obispo ng Pilipinas ay may  sulat pastoral  sa pagbalangkas ng siyam na taonng programa para sa  Bagong Evangelization  simula matapos ang Taon ng Pananampalataya: Masaya naming inaabangan ang panahon na may pasasalamat at kagalakan sa Marso 16, 2021, sa ikalimang ikasandaang taong anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa ating minamahal na lupain. Tandaan natin na may pagpapasalamat  ang unang Misa sa bantog na Isla ng Limasawa noong Linggo ng Pagkabuhay, Marso 31 na pinagpala taon. Ito rin ang araw ng pagbibinyag ng Raha Humabon na binigayan ng Kristiyanong pangalang Carlos at ang kanyang asawa Hara Amihan sa pangalang Juana noong 1521. Ang ating mga mata ay nakatingala sa Santo NiƱo de Cebu, ang pinakamatandang rebultong imagen sa Pilipinas, regalo ni Ferdinand Magellan sa unang Katolik...