Martes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
UNANG PAGBASA Efeso 5, 21-33 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, pasakop kayo sa isa’t isa tanda ng inyong paggalang kay Kristo. Mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa tulad ng pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na siyang ulo ng simbahan, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito. Kung paanong nasasakop ni Kristo ang simbahan, gayon din naman, ang mga babae’y dapat pasakop nang lubusan sa kani-kanilang asawa. Mga lalaki, ibigin ninyo ang inyu-inyong asawa, gaya ng pag-ibig ni Krisot sa simbahan. Inihandog niya ang kanyang buhay para rito, upang ang simabaha’y italaga ng Diyos matapos linisin sa pamamagitan ng tubig at ng salita. Ginawa niya ito upang maiharap sa kanyang sarili ang simbahan, marilag, banal, walang batik at walang anumang dungis o kulubot. Dapat mahalin ng mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sariling nilang katawan. Ang lalaking nagmamahal sa kany...