Martes - Nobyembre 15, 2011,Ika-33 na Ordinaryong Linggo
Martes - Nobyembre 15, 2011 Ika-33 na Ordinaryong Linggo Unang Pagbasa 2 Macabeo 6: 18-31 Naging Martir si Eleazar 18 Noong panahong iyon ay may isang matanda at iginagalang na guro ng Kautusan. Siya si Eleazar. Nakatuwaan nilang pakainin siya ng baboy, kaya't pinilit nilang ibuka ang bibig nito. 19 Sa pag-iwas niyang madumihan, pinili na niya ang mamatay na marangal. Kaya't ang pagkaing pilit na isinubo ay kanyang iniluwa. Pagkatapos, siya na ang kusang lumapit sa inihandang pagpaparusahan sa kanya. 20 Ipinakita niya na dapat maglakas-loob ang sinuman na tumangging kumain ng pagkaing labag sa Kautusan, kahit ito'y mangahulugan ng kanyang kamatayan. ...