Posts

Showing posts with the label agustin

Album ng pamilyang namimintuho kay San Agustin

Image
Ang album ng pamilyang namimintuho kay San Agustin ay matagal ng nasimulan kaya lang ay naantala ito sa maraming bagay. katulad ng maliit na resolution sa pag scanned nito. Ang panahon ng pagsasaayos at paghihintaya ng mga larawan ay matagal. Hindi pa kasama ang halos isang buwan ng pagkaligaw ng package nang ipinadala ito sa printing press. Ito ay ilan sa mga nilalaman nito. Hindi pa kasama ang pabalat nito at ang aking mensahe. Kung may nais kayong itamo bago ito ilimbag ay maaring ilagay rito upang maayos kaagad. Maraming Salamat! Album ng mga pamilyang namimintuho kay San Agustin - Free Slideshow Maker Album of Families Album of Families1 Album of Families2 Album of Families3

Misa para kayTeresita

Image
Misa para kay Teresita P. Esguerra, namatay sa respiratory failure na taga San Nicolas, Bay, Laguna. San Agustin, Ipanalangin mo si Teresita San Nicolas ng Tolentino, Ipanalangin mo si teresita

Misa sa Patay

Image
Misa sa Patay. katatapos lamang ng isang pagdiriwang ng Banal na Misa para sa kaluluwa Meniano Seda at sa kapanatagan ng kanyang mga mahal sa buhay. Si Meniano ay taga Sta. Cruz, Bay, Laguna na mamayapa na sa piling ng Panginoon dahil sa atake sa puso sa edad na 56. San Agustin, ipanalangin mo si Meniano San Nicholas de tolentino, ipanalangin mo si Meniano

Mass

Image
San Antonio Abad chapel, Bitin,Bay,Laguna. Ang huling pagdiriwang ng banal na Misa sa araw na ito sa parokya ni San Agustin ay naganap dito sa baryo ng Bitin, Bay, Laguna. Mga 20 hanggang 30 minuto ang layo sa pamparokyang simbahan. Marami ang nagsisimba dito. Isa ito sa mga baranggay chapel na may Misa pag araw ng Linggo. Isang dahilan ng pagdami ng tao rito ay ang pagkaroon ng geothermal plant. Siyempre pag may trabaho hindi maiiwasan na dumami rin ang titigil upang dito manirahan.