Posts

Showing posts with the label al-amanah

Ang Pangako ng Buhay

Image

PANALANGIN PARA SA BAGONG ARSOBISPO

Image
PANALANGIN PARA SA BAGONG ARSOBISPO Ama naming mapagkalinga, ikaw ang laging nangangasiwa sa iyong Simbahan bilang pangulo ng lahat ng nagaganap dito at tagapamahalang nagmamahal sa lahat ng bumubuo nito. Kalugdan mo ang iyong lingkod na si Luis Antonio na niloob mong lumingap sa iyong kawan ng may pagmamalasakit ng isang pastol na uliran. Ipagkaloob mong ang iyong lingkod ay maging matapat na tagapagturo ng dapat sampalatayanan yayamang siya ang tagapangasiwang gumaganap sa tungkulin ni Kristo bilang paring nangunguna sa pagsamba at lingkod na namamahala. Ang kanyang pagsasalita at pagiging uliran ay magpaunlad at magpabanal nawa sa sambayanan at ang kanyang pagmamalasakit ay magdulot ng iyong pagpapala. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen. Ang panalanging ito ay pwede ring gamitin sa sino mang maging bagong arsobispo o obispo o maging sa bagong kura paroko, palitan lang ang pangalang nakalagay at ipalit ang pangalan ng bagong arsobispo, obispo o...