Posts

Showing posts with the label alak

Mateo 9: 14-17

Image
14  Noo’y lumapit sa kanya ang mga alagad ni Juan at nagtanong: “May araw ng ayuno kami at ang mga Pariseo, at wala bang pag-aayuno ang iyong mga alagad?” 15  Sinagot sila ni Jesus: “Puwede bang magluksa ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo? Darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno. 16  Walang magtatagpi ng bagong pirasong tela sa lumang balabal sapagkat uurong ang tagpi at lalo pang lalaki ang punit. 17  At hindi ka rin naman maglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung gagawin mo ito, puputok ang mga sisidlan at matatapon ang alak at masisira rin ang mga sisidlan. Sa bagong sisidlan dapat ilagay ang bagong alak; sa gayo’y pareho silang tatagal.”

Amos 9:11-15

Image
11   Itatayo ko uli sa araw na iyon ang bu­mag­sak na tolda ni David at kukum­punuhin ang mga sira at ibabangon ang mga guho, ita­tayo kong gaya ng dati. 12  Sasakupin nila ang nalabi sa Edom at ang mga kalapit-bansang nakalaan sa pangalan ko. Ito ang sabi ni Yawe na gagawa ng lahat ng ito. 13   Sabi pa ni Yawe: “Dumarating ang mga araw na lalampasan ng nag-aararo ang nag-aani, ng pumipisa ng ubas ang nagtatanim. Tutulo ang bagong alak sa mga bundok at ma­tutunaw ang lahat ng burol. 14  Ibabalik ko mula sa pagkatapon ang bayan kong Israel; itatayo nilang muli ang wasak na mga lunsod at maninirahan doon. Magtatanim sila ng mga ubas at iinumin ang alak nito, mag­­kakaroon sila ng halamanan at kakanin ang bunga ng mga iyon. 15   Papag-uugatin ko sila sa sarili nilang lupain at hindi na sila bubu­nutin pa mula sa lupaing bigay ko sa kanila,” sabi ni Yawe na inyong Diyos.

Lukas 7:31-35

Image
Nagsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao sa kasalukuyan, at sa ano sila katulad? Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa, at nagrereklamo ang ilan sa kanila” ‘Tinugtog namin ang plauta para sa inyo at hindi kayo sumayaw, at nang umawit naman kami ng punebre, ayaw naman ninyong umiyak.’ Ganito rin naman ang nangyari. Dumating si Juan Bautista na hindi kumakain ng tinapay ni umiinom ng alak, at ang sabi ninyo’y ‘Nasisiraan siya ng bait!’ Dumating naman ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at sinabi naman ninyong ‘Narito ang taong matakaw at lasenggo, kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan.’ Gayon pa ma’y nakilala ng kanyang mga anak ang Karunungan.” Source: Radio Veritas

Lukas 5:33-39

Image
Sinabi ng mga Pariseo at mga guro ng Batas kay Jesus: “Madalas mag-ayuno at may mga panalangin ang mga alagad ni Juan, at gayundin naman ang mga alagad ng Pariseo; kumakain naman at umiinom ang iyo.” “Kaya sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi n’yo mapag-aayuno ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo, di ba? Ngunit darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.” Sinabi pa ni Jesus sa kanila ang isang talinhaga: “Walang pumuputol ng panagpi mula sa bagong damit at itinatagpi sa lumang damit. Kung hindi’y napupunit na ang mga bago at hindi pa magiging bagay sa lumang damit ang tagping mula sa bago. At wala ring naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung hindi’y sisirain ng bagong alak ang mga lumang sisidlan kaya matatapon ang alak at masisira pati mga sisidlan. Sa halip ay sa mga bagong sisidlan dapat ilagay ang bagong alak. Hindi naman humihingi ng bagong alak ang umiinom ng luma, sinasabi nga niya: ‘Ang luma ang siyang ...

Lunes - Enero 16, 2012,Ika-2 Linggo ng Taon

Image
Lunes - Enero 16, 2012 Ika-2 Linggo ng Taon Unang Pagbasa 1 Samuel 15:16-23 16 Sinabi ni Samuel, "Tumigil ka! Pakinggan mo ang sinabi sa akin ni Yahweh kagabi." "Ano iyon?" tanong ni Saul. 17 Sinabi ni Samuel, "Noong una, napakaliit pa ng tingin mo sa iyong sarili. Ngayon, ikaw ang namumuno sa Israel sapagkat pinili ka ni Yahweh at binuhusan ng langis upang maging hari. 18 Inutusan ka niyang lusubin ang masamang bayan ng Amalek at mahigpit na ipinagbiling puksain ang mga ito. 19 Bakit mo sinuway ang utos ni Yahweh? Bakit mo pinag-imbutan ang mga ito? Hindi mo ba alam na ang ginawa mo'y malaking kasalanan kay Yahweh?" 20 Sumagot si Saul, "Sinunod ko si Yahweh. Pumunta ako sa pinapuntahan niya sa akin. Binihag ko si Agag na hari ng Amalek at nilipol ang mga Amalekita. 21 Ngunit pinili ng mga tao ang pinakamaiinam sa mga tupa at baka at hindi namin pinatay kasama ng iba, sa halip ay iniuwi namin sa Gilgal upang i...