Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6
Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Tugon: Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Mapalad ang taong hindi naaakit niyong masasama, upang sundan niya ang kanilang payo’t maling halimbawa; hindi sumasama sa sinumang taong ang laging adhika’y pagtawanan lamang at hamak-hamakin ang Diyos na dakila. Nagagalak siyang laging magsasaliksik ng banal na aral, ang utos ng Poon siyang binubulay sa gabi at araw. Tugon: Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Ang katulad niya’y isang punongkahoy sa tabing batisan, sariwa ang daho’t laging namumunga sa kapanahunan, at anumang gawin ay nakatitityak na magtatagumpay. Tugon: Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina. Ngunit ibang-iba ang masamang tao; ipa ang kawangis, siya’y natatangay at naipapadpad kung hangi’y umihip. Sa taong matuwid ay Panginoon ang s’yang mag-iingat, ngunit kailanman ang mga masama ay mapapahamak. Tugon: Mapalad ang umaasa sa Panginoon tuwina.