Posts

Showing posts with the label balik

Joel 2, 12-13

Image
Joel 2, 12-13 Magsisi tayong mataos, halinang magbalik-loob sa mapagpatawad na D’yos; sa kanya tayo’y dumulog at manunumbalik na lubos.

Lucas 15, 18

Image
Lucas 15, 18 Babalik ako sa ama, at aamunin ko siya, sasabihin ko sa kanya: “Ako po ay nagkasala sa D’yos at sa ‘yong pagsinta.”

Ezekiel 18, 31

Image
Ezekiel 18, 31 Sinabi ng Poong mahal: “Kasamaan ay layuan, kasalana’y pagsisihan; kayo ay magbagong-buhay, magbalik-loob na tunay.”

Isaias 1, 10. 16-20

Image
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias 1, 10. 16-20 Mga pinuno ng Sodoma, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon; mga namamayan sa Gomorra. pakinggan ninyo ang aral ng ating Diyos. Magpakabuti na kayo, magbalik-loob sa akin; talikdan na ninyo ang masasamang gawain. Tumigil na kayo ng paggawa ng masama. Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti; pairalin ang katarungan; itigil ang pang-aapi; tulungan ang mga ulila; ipagtanggol ang mga balo. “Halikayo at magliwanagan tayo, gaano man karami ang inyong kasalanan, handa akong ipatawad ang lahat ng iyan, kahit na kayo’y maruming-marumi sa kasalanan, kayo’y magiging busilak sa kaputian. Kung kayo’y susunod at tatalima, pasasaganain ko ang ani ng inyong lupain. ngunit kung magpapatuloy kayo sa inyong pagsuway ay tiyak na kayo’y mamamatay.” Ito ang sabi ng Panginoon.