Posts

Showing posts with the label batas

Lukas 15:1-10

Image
Lumapit kay Jesus ang lahat ng kolektor ng buwis at mga makasalanan para makinig. Kaya nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at mga guro ng Batas: “Tinanggap niyan ang mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya sinabi ni Jesus ang talinhagang ito sa kanila: “Kung may sandaang tupa ang isa sa inyo at mawala ang isa sa mga ito, hindi ba niya iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang para hanapin ang nawawala hanggang matagpuan niya ito? At pag natagpuan ito’y masaya niya itong pinapasan sa balikat, at pagdating sa bahay ay tatawagin niya ng mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila: ‘Matuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko na ang nawawala kong tupa.’ Sinasabi ko sa inyo: magkakaroon din ng higit na kagalakan sa langit para sa isang makasalanang nagsisisi kaysa siyamnapu’t siyam na matuwid na di nangangailangan ng pagsisisi. Kung may sampung baryang pilak ang isang babae at nawala ang isa sa mga ito, hindi ba siya magsindi ng ilaw, magwawalis sa bahay at hahanaping mabuti h...

Lukas 5:33-39

Image
Sinabi ng mga Pariseo at mga guro ng Batas kay Jesus: “Madalas mag-ayuno at may mga panalangin ang mga alagad ni Juan, at gayundin naman ang mga alagad ng Pariseo; kumakain naman at umiinom ang iyo.” “Kaya sinabi ni Jesus sa kanila: “Hindi n’yo mapag-aayuno ang mga abay sa kasalan habang kasama pa nila ang nobyo, di ba? Ngunit darating ang panahon na aagawin sa kanila ang nobyo at sa araw na iyon sila mag-aayuno.” Sinabi pa ni Jesus sa kanila ang isang talinhaga: “Walang pumuputol ng panagpi mula sa bagong damit at itinatagpi sa lumang damit. Kung hindi’y napupunit na ang mga bago at hindi pa magiging bagay sa lumang damit ang tagping mula sa bago. At wala ring naglalagay ng bagong alak sa mga lumang sisidlan. Kung hindi’y sisirain ng bagong alak ang mga lumang sisidlan kaya matatapon ang alak at masisira pati mga sisidlan. Sa halip ay sa mga bagong sisidlan dapat ilagay ang bagong alak. Hindi naman humihingi ng bagong alak ang umiinom ng luma, sinasabi nga niya: ‘Ang luma ang siyang ...

Mateo 23:23-26

Image
Sinabi ni Jesus: “Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Hindi n’yo nalilimutan ang mint, anis at kumino sa pagbabayad ny’o ng ikapu ngunit hindi n’yo tinutupad ang pinakamahalaga sa Batas: ang katarungan, awa at pananampalataya. Ito ang nararapat isagawa na hindi kinakaligtaan ang iba. Mga bulag na tagaakay! Sinasala n’yo ang lamok pero nilulunok ang kamelyo. “Kawawa kayong mga guro ng Batas at mga Pariseo, kayong mga mapagkunwari! Nililinis n’yo ang labas ng plato at kopa ngunit pinupuno n’yo naman ang loob ng pagnanakaw at karahasan at binabasbasan ang mga ito. Bulag na Pariseo! Linisin mo muna ang loob, at lilinis din ang labas. Source: Radio Veritas

No to RH Bill

Image
Pinangalingan ng Larawan Hayaan ninyo na ilagay ko rito ang paninindigan ng Pro-Life Philippines sangayon sa bagong pahayag o bersyon ng Reproductive Health Bill. Patuloy pa rin nating tinututulan ang nabanngit na panukalang batas. Pro Life Philippines Foundation, Inc.Position Paper on the New RH Bill VersionFiled at the House of...