Posts

Showing posts with the label bubuksan

Mateo 7, 7-12

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Mateo 7, 7-12 Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Humingi kayo, at kayo’y bibigyan; humanap kayo, at kayo’y makasusumpong; kumatok kayo, at ang pinto’y bubuksan para sa inyo. Sapagkat tumatanggap ang bawat humihingi, nakasusumpong ang bawat humahanap, at binubuksan ang pinto sa bawat kumakatok. Bibigyan ba ninyo ng batos ang inyong anak kung humihingi ng tinapay? Bibigyan ba ninyo siya ng ahas kung humihingi ng isda? Kung kayo na masasama, ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit? Ibibigay niya ang mabubuting bagay sa mga humihingi sa kanya! “Kaya gawin ninyo sa inyong kapwa ang ibig ninyong gawin nila sa inyo. Ito ang kahulugan ng Kautusan ni Moises at ng turo ng mga propeta.”

Lukas 11:5-13

Image
Sinabi ni Jesus sa Kanyang mga alagad: “Ipalagay nating may mga kaibigan ang isa sa inyo at pinuntahan mo siya sa hatinggabi at sinabi: “Kaibigan, pahiram nga ng tatlong pirasong tinapay dahil kararating lang mula sa biyahe ng isa kong kaibigan at wala akong maihain sa kanya. At sasagutin ka siguro na nasa loob: “Huwag mo na akong gambalain. Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng mga bata; hindi na ako maaaring tumayo para bigyan ka.’ Sinasabi ko sa inyo, kung hindi man siya bumangon para magbigay dahil sa pakikipagkaibigan, babangon pa rin siya at ibibgay sa iyo ang lahat mong kailangan dahil sa pagpupumilit sa kanya. “Kaya sinasabi ko sa inyo: humingi at kayo’y bibigyan, maghanap at matatagpuan ninyo, kumatok at bubuksan ang pinto para sa inyo. Talaga ngang tumatanggap ang humihingi, nakakatagpo ang naghahanap at pinagbuksan ang kumakatok. “Sino sa inyo ang amang magbibigay ng ahas sa kanyang anak kung isda at hindi ahas ang hiningi nito? Sino ang magbibigay ng alakdan ...