Posts

Showing posts with the label bundok

Salmo 105, 19-20. 21-22. 23

Image
Salmo 105, 19-20. 21-22. 23 Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain. Sa may Bundok ng Horeb, doon ay naghugis niyong gintong baka, matapos mahugis ang ginawa nila’y kanilang sinamba. Ang dakilang Diyos ay ipinagpalit sa diyos na nilikha, sa diyos na baka na ang kinakain ay damong sariwa. Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain. Kanilang nilimot ang Panginoong Diyos, ang Tagapagligtas, na yaong ginawa doon sa Egipto’y kagila-gilalas. Sa lupaing iyon ang ginawa niya’y tunay na himala. Sa Dagat na Tambo yaong nasaksihan ay kahanga-hanga. Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain. Ang pasiya ng Diyos sa ginawa nila’y lipulin pagdaka, agad na dumulog sa Poon, si Moises namagitan siya, at hindi natuloy yaong kapasiyahan na lipulin sila. Tugon: Panginoong masintahin, ang bayan mo’y gunitain.

Mateo 17:1-9

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo  17:1-9 Noong panahong iyon:  Isinama ni Hesus si Pedro,  at ang magkapatid na Santiago at Juan,  at sila’y umakyat sa isang mataas na bundok.  Samantalang sila’y naroon,  nakita nilang nagbagong-anyo si Hesus:  nagliwanag na parang araw ang kaniyáng mukha,  at pumuting parang busilak ang kaniyáng damit.  Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad  sina Moises at Elias na nakikipagusap kay Hesus.  Kaya’t sinabi ni Pedro kay Hesus,  “Panginoon, mabuti pa’y dumito na tayo.  Kung ibig ninyo,  gagawa ako ng tatlong kubol:  isa sa inyo,  isa kay Moises at isa kay Elias."  Nagsasalita pa siyá nang liliman sila ng isang maningning na ulap.  At mula rito’y may tinig na nagsabi:  “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan.  Pakinggan ninyo siyá!"  Ang mga alagad ay natakot nan...

Mateo 17:1-9

Image
1 Pagkaraan  ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila'y umakyat sa isang mataas na bundok.  2 Habang sila'y naroroon, nakita nilang nagbago ang anyo ni Jesus, nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha at nagningning sa kaputian ang kanyang damit.  3 Nakita na lamang ng tatlong alagad sina Moises at Elias na nakikipag-usap kay Jesus. 4 Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Panginoon, mabuti't naririto kami. Kung gusto ninyo, gagawa ako ng tatlong kubol, isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.” 5 Habang  nagsasalita pa si Pedro, nililiman sila ng napakaliwanag na ulap. Mula rito'y may tinig na nagsabi, “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!”  6 Nang marinig ng mga alagad ang tinig, labis silang natakot at nagpatirapa.  7 Ngunit nilapitan sila ni Jesus at hinawakan. “Tumayo kayo, huwag kayong matakot!” sabi niya.  8 Nang tumingin sila...