Posts

Showing posts with the label corinto

Lunes sa Ikadalawangpung Tatlong Linggo ng Karaniwang Linggo

Image
Ang Pagpapagaling sa Taong Tuyot ang Kamay UNANG PAGBASA 1 Corinto 5, 1-8 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, nakarating sa aking ang di mapag-aalinlangang balita na napakasama ng ginagawa ng isa sa inyo – kinakasama niya ang asawa ng kanyang ama. Kahit ang mga pagano’y di gumagawa ng ganyang kahalayan. At nakukuha pa ninyong magmalaki! Dapat sana’y mahiya kayo at tumangis, at itiwalag ang gumagawa nito! Bagamat wala ako riyan sa katawan, nariyan naman ako sa espiritu, kaya’t parang nariyan din ako. Dahil dito, ang gumagawa niyan ay hinahatulan ko na sa ngalan ng Panginoong Hesus. Ako’y kasama ninyo sa espiritu sa inyong pagtitipon. At sa kapangyarihan ng ating Panginoong Hesus, ibigay ninyo kay Satanas ang taong iyang upang mapahamak ang kanyang katawan at nang maligtas ang kanyang espiritu sa Araw ng Panginoon. Hindi kayo dapat magpalalo. Hindi ba ninyo alam ang kasabihang, “Napaaalsa ng kaunting lebadura ang buong masa”? Alisin ninyo...

Ika Dalawangpung Tatlong Linggo ng Karaniwang Panahon (A)

Image
UNANG PAGBASA Ezekiel 33, 7-9 Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel Ito ang sinasabi ng Panginoon: “Ikaw, Tao, ang ginagawa kong bantay ng Israel; anumang marinig mo sa akin ay sabihin mo sa kanila bilang babala. Kapag sinabi ko sa taong masama na siya’y mamamatay at di mo ito ipinaabot sa kanya upang makapagbagong-buhay, mamamatay nga siya sa kanyang kasamaan ngunit pananagutan mo ang kanyang kamatayan. Ngunit kapag binabalaan mo ang masama gayunma’y hindi rin nagbagong-buhay, mamamatay siyang makasalanan ngunit wala kang dapat panagutan.” Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Tayo ay lumapit sa ‘ting Panginoon, siya ay awitan, ating papurihan ang batong kublihan nati’t kalakasan. Tayo ay lumapit, sa kanyang harapan na may pasalamat, siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak. Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Tayo ay lumapit, Sa kanya’y sumamba at magbigay-galang, lumu...

Sabado sa Ikadalawangpung Dalawang Linggo sa Karaniwan Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 6b-15 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, kami ni Apolos ang ginamit kong halimbawa upang matutuhan ninyo ang kahulugan ng kasabihang, “Huwag lalampas sa nasusulat.” Huwag ipagmalaki ninuman ang isa at hamakin naman ang iba. Ano ang kahigtan ninyo sa iba? Hindi ba lahat ng nasa inyo’y kaloob ng Diyos? Kung gayun, bakit ninyo ipinagyayabang na waring hindi kaloob sa inyo? Kayo pala’y nasisiyahan na! Mayayaman na kayo! Kayo pala’y mga hari na – hindi na ninyo kami isinama! Sana nga’y naging hari kayo upang kami nama’y maging hari, kasama ninyo. Sapagkat sa wari ko, kaming mga apostol ay ginawa ng Diyos na maging pinakahamak sa lahat ng tao. Ang katulad namin ay mga taong nahatulan ng kamatayan, isang panoorin ng sanlibutan – ng mga anghel at ng mga tao. Kami’y mga hangal alang-alang kay Kristo; kayo’y marurunong tungkol kay Kristo! Mahihina kami; kayo’y malalakas! Hinahamak kami; kayo’y pinararangalan! Hanggang sa...

Biyernes sa Ikadalawangpung Dalawang Linggo sa karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA 1 Corinto 4, 1-5 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, kami’y mga lingkod ni Kristo at katiwala ng mga hiwaga ng Diyos – ganyan ang dapat na aming palagay ninyo sa amin. Ang katiwala’y kailangang maging tapat sa kanyang panginoon. Walang anuman sa akin ang ako’y hatulan ninyo o ng alinmang hukuman ng tao; ni ako ma’y di humahatol sa aking sarili. Walang bumabagabag sa aking budhi, ngunit hindi nangangahulugang ako’y walang kasalanan. Ang Panginoon ang humahatol sa akin. Kaya’t huwag kayong humatol nang wala sa panahon; maghintay kayo sa pagdating ng Panginoon. Ilalantad niya ang mga bagay na ngayo’y natatago sa kadiliman at ipahahayag ang mga lihim na hangarin ng bawat isa. Sa panahong iyon, bawat isa’y tatanggap ng papuring nauukol sa kanya mula sa Diyos. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 36, 3-4. 5-6. 27-28. 39-40 Nasa D’yos ang kaligtasan ng mga mat’wid at banal. Umasa ka sa Diyos, ang mabuti’y gawin, at mananahan ...

Huwebes ng Ikadalawangpung Dalawang Linggo ng Karaniwang Panahon (II)

Image
San Gregorio Magno, Papa at Pantas ng Simbahan UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 18-23 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, huwag dayain ninuman ang kanyang sarili. Kung may nag-aakalang siya’y marunong ayon sa sanlibutang ito, ibilang niyang siya’y mangmang upang maging tunay na marunong. Sapagkat ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan sa paningin ng Diyos. Ganito ang sinasabi sa Kasulatan, “Hinuhuli niya ang marurunong sa kanila na ring katusuhan.” Gayun din, “Alam ng Panginoon na ang iniisip ng marurunong ay walang kabuluhan.” Kaya’t huwag ipagmalaki ninuman ang nagagawa ng tao. Ang lahat ay inyo: si Pablo, si Apolos, at si Pedro; ang sanlibutang ito, ang buhay, ang kamatayan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap – lahat ng ito’y sa inyo. At kayo’y kay Kristo, at si Kristo nama’y sa Diyos. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Ang daigdig lahat doon, ang may-ari’y ating Poon. Ang buong daigdig, lahat ng naroon, ...

Miyerkules ng Ikadalawangpung Dalawang Linggo ng Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA 1 Corinto 3, 1-9 Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, hindi ko kayo makausap tulad ng ginagawa ko sa mga taong nagtataglay ng Espiritu. Kailangang kausapin ko kayo bilang mga taong namumuhay ayon sa laman, mga sanggol pa sa pananampalataya kay Kristo. Binigyan ko kayo ng gatas, hindi matigas na pagkain, sapagkat ito’y hindi pa ninyo kaya. At hindi pa ninyo kaya hanggang ngayon sapagkat nananaig pa sa inyo ang laman. Mayroon pa kayong inggitan at alitan at iya’y nagpapakilalang makasanlibutan pa kayo at namumuhay ayon sa laman. Kapag sinabi ng isa, “Ako’y kay Pablo,” at ng iba, “Ako’y kay Apolos,” hindi ba tanda iyan na kayo’y namumuhay pa ayon sa laman? Sapagkat sino si Apolos? At sino si Pablo? Kami’y mga lingkod lamang ng Diyos na kinasangkapan niya upang akayin kayo sa pananalig kay Kristo. Ginagawa ng bawat isa ang gawaing tinanggap niya sa Panginoon. Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig, ngunit ang Diyos ang nagpatub...

Linggo - Nobyembre 27, 2011,Unang linggo ng Adbiyento

Image
Linggo - Nobyembre 27, 2011     Unang linggo ng Adbiyento Unang Pagbasa                             Isaias 63:16–64:7 1st Sunday of Advent - First Reading: Isaiah 63:16-19 – More PowerPoint presentations from Daniel Mayne 16 Kung walang nagawa sa amin si Jacob at Abraham, ikaw lamang, Yahweh, ang aming pag-asa at Amang aasahan; tanging ikaw lamang ang nagliligtas ng aming buhay. 17 Bakit ba, O Yahweh, kami'y tinulutang maligaw ng landas, at ang puso nami'y iyong hinayaang maging matigas? Balikan mo kami at iyong kaawaan, mga lingkod mo na tanging iyo lamang. 18 Kami, na iyong banal na bayan ay sandaling itinaboy ng mga kaaway; winasak nila ang iyong santuwaryo. 19 Ang turing mo sa amin ay parang hindi mo pinamahalaan; ang nakakatulad ay mga nilalang na di nakaranas na iyong pagharian. 1 Bakit hindi mo buksan ang langit at bumaba ka s...