Posts

Showing posts with the label dalangin

Jeremias 18, 18-20

Image
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Jeremias 18, 18-20 Ang sabi ng mga tao: “Iligpit na natin si Jeremias! May mga saserdote namang magtuturo sa atin, mga pantas na magpapayo, at mga propetang magpapahayag ng salita ng Diyos. Isakdal natin siya, at huwag na nating pakinggan ang mga sinasabi niya.” Kaya’t nanalangin si Jeremias, “Panginoon, pakinggan mo ang aking dalangin; batid mo ang binabalak ng mga kaaway ko. Ang kabayaran ba ng kabutihan ay kasamaan? Ano’t naghanda sila ng hukay upang ako’y mabitag? Natatandaan mo kung paano ko sila idinalangin sa iyo upang huwag mong ipalasap sa kanila ang iyong poot.”

Panalangin sa Taon ng Parokya

Image
Diyos na bukal ng kabutihan, salamat sa handog mong pagpapanibago, sa pagkakaloob ng mga munting sambayanang  Kristiyano, bilang lugar at pagkakataon upang maisabuhay ng makahulugan ang aming pananampalataya. Nagsusumamo kami na pagkalooban ng higit na alab ng kalooban sa pagsususlong ng munting sambayanang  Kristiyano na magbibigay ng bagong sigla sa pagpapanibago ng aming pamilya, kapitbahayan, at parokya. Kami nawa’y maging tunay na asin na magpapanatili ng pananampalataya, ilaw na nagbibigay ng liwanag sa aming misyon, at lebadura na magpapa-alsa ng pakikilahok. Ito ay aming samo’t dalangin sa ngalan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.