Posts

Showing posts with the label daniel

Daniel 3, 25. 34-43

Image
Aklat ni propeta Daniel 3, 25. 34-43 Noong mga araw na iyon, tumindig si Azarias at dumalangin: “Alang-alang sa iyong karangalan, huwag mo kaming itakwil habang panahon; huwag mong putulin ang iyong tipan sa amin. Muli mo kaming kahabagan, alang-alang kay Abraham na iyong minamahal, kay Isaac na iyong lingkod, at kay Israel na iyong pinabanal. Ipinangako mong pararamihin ang kanilang lahi gaya ng mga bituin sa langit at ng buhanginan sa tabing-dagat. Subalit ngayon, Panginoon, kami ay naging pinakamaliit na bansa. Dahil sa aming mga kasalanan, kami ang pinaka-aba ngayon sa sanlibutan. Wala kaming hari, mga propeta, o mga tagapanguna ngayon. Walang templong mapag-alayan ng mga handog na susunugin, mga hain at kamanyang; wala man lamang lugar na mapaghandugan upang kami ay humingi ng awa mo. Ngunit lumalapit kami sa iyo ngayon na bagbag ang puso at nagpapakumbaba. Tanggapin mo na kami na parang may dalang mga baka, mga guya at libu-libong matatabang tupa na susunugin bilang hando...

Daniel 9, 4b-10

Image
Aklat ni propeta  Daniel 9, 4b-10 Panginoon, dakila at Makapangyarihang Diyos na laging tapat sa umiibig sa iyo at sumusunod sa iyong mga utos. Nagkasala po kami. Nagpakasama kami at sumuway sa iyong mga tuntunin at kautusan. Hindi kami nakinig sa iyong mga propeta na nagpahayag sa aming mga hari, tagapamuno, magulang at sa buong bayan. Panginoon, ikaw ay laging nasa matuwid at kami ay laging nasa kasamaan tulad ngayon: ang buong Juda at Jerusalem, ang buong Israel, ang lahat pati mga itinapon mo sa iba’t ibang dako dahil sa kataksilan sa iyo. Kami po, ang aming mga hari, pinuno at ang aming mga magulang ay laging nagkakasala sa iyo. Ikaw, Panginoon, ay mahabagin at mapagpatawad sa kabila ng lagi naming pagsalansang at pagsuway sa mga utos na ibinigay mo sa amin na iyong mga alipin sa pamamagitan ng iyong mga propeta.

Sabado - Nobyembre 26, 2011,Paghahari ni Kristo sa Sanlibutan

Image
Sabado - Nobyembre 26, 2011      Paghahari ni Kristo sa Sanlibutan Unang Pagbasa                               Daniel 7: 15-27 Ang Kahulugan ng mga Pangitain                 15 Akong si Daniel ay nalito at nabagabag dahil sa pangitaing iyon.  16 Kaya't nilapitan ko ang isang nakatayo roon at tinanong ko siya kung ano ang kahulugan ng mga bagay na aking nasaksihan. Ipinaliwanag naman niya ang mga ito sa akin.  17 Ang sabi niya, "Ang apat na halimaw ay apat na kahariang lilitaw sa daigdig.  18 Ngunit ang mga hinirang ng Kataas-taasang Diyos ang bibigyan ng karapatang mamahala magpakailanman."                 19 Hinangad kong malaman ang kahulugan ng ikaapat na hal...

Sabado - Nobyembre 26, 2011, Paghahari ni Kristo sa Sanlibutan