Prayer Composition
It was been a long dream of mine to compose a prayer for St. Augustine to be used by the people of God especially of my parishioners for the growth of the devotion to St. Augustine. Thanks through the help of seminarian Richie Fortus. Here is the Tagalog version. English version is on the way. PANALANGIN KAY SAN AGUSTIN O San Agustin, pinili ka nang Amang Lumikha upang maging Guro ng pag-ibig, ilaw ng mga mangangaral at mag-aaral, Pantas ng Simbahan, haligi ng Santa Iglesia, tagapagtanggol ng pananampalatayang Kristiyano at kalasag laban sa mga kaaway. Hayaan mong matularan ko ang iyong halimbawa ng pagbabalik-loob sa Diyos upang ako rin ay makatamasa ng matuwid na landas tungo sa kaginhawahang walang katapusan upang ang puso ko ay pamahayan ng Banal na Santatlo. Ipanalangin mo ako, patron kong San Agustin, upang ang aking bisyo at mga maling aral na pinaniniwalaan ay aking maituwid sa tulong at awa ni Hesu-Kristo. Tulad ng iyong nasumpungan sa sulat ni San Pablo sa Bagong Ti...