Happy Birthday! God Bless You!!!
Happy Birthday! God Bless You!!! Panalangin sa Nagdiriwang ng Kaarawan Diyos na may likha ng buhay, Kami ay lubos na natutuwa at nagpapasalamat Sa Biyaya ng buhay, Lalong lalo na sa aming mahal sa buhay na si ________________________ Na nagdiriwang ngayon ng kanyang kaarawan. Idinudulog namin siya sa iyong harapan. Bigyan mo siya ng malusog na pangangatawan at mahabang buhay. Gabayan mo siya at liwanagan ang kanyang landas Habang tinatahak niya ang makulay Ngunit masalimout na daigdig na ito. Patatagin mo ang kanyang kalooban, Bigyan mo siya ng lakas Na labanan ang anu mang uri ng kasamaan At magtagumpay sa anu mang maganda niyang gawain. Hinihiling namin ito sa pangalan ng Iyong Anak, na aming Panginoong Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen. ____ Panalangin nilikha ng iyong abang lingkod.