Posts

Showing posts with the label habag

Salmo 78, 8. 9. 11 at 13

Image
Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Huwag mong parusahan kaming mga anak, sa pagkakasala ng aming magulang, ikaw ay mahabag sa mga lingkod mong pag-asa’y pumanaw. Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Mahabag ka sana, kami ay tulungan, Panginoong Diyos na Tagapagligtas, dahil sa ngalan mo, kaming nagkasala’y patawaring ganap at ang pagpupuri sa iyo ng madla’y hindi maglilikat. Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Iyong kahabagan ang mga bilanggong kanilang hinuli, dinggin mo ang daing, sa taglay mong lakas, iligtas mo silang takdang papatayin. Kaming iyong lingkod, lingkod mo kaming parang mga tupa sa iyong pastulan, magpupuring lagi’t magpapasalamat sa iyong pangalan! Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin.

Isang Panalangin bago Pumasok sa Internet

Image
Isang panalangin bago pumasok sa internet.
  Diyos na makapangyarihan at walang hanggan,
 na lumikha sa amin ayon sa Iyong imahen
 at nagtagubiling hanapin ang lahat ng mabuti, totoo, at maganda,
 lalo na sa  banal na persona ng Bugtong Mong Anak, ang aming Panginoong Hesukristo,
 nagsusumamo kami na Iyong tulungan,
 sa pamamagitan ni San Isidro ng Seville,
 sa aming mga paglalakbay sa internet
 na akayin lamang ang aming mga kamay at mata sa nakalulugod sa Iyo
 at pakitunguhan nang may habag at tiyaga ang lahat ng kaluluwang makikilala.
 Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen. English Version Kapampangan Version