Posts

Showing posts with the label kaluluwa

Luksang Parokya

Image
@fr.jessie ##panalangin ##fyp ##catholic ##proudcatholic ##giftedwegive ##catholictiktok ##salitangDiyos ##mabutingbalita ##luksangparokya ♬ original sound - Fr.jessie 🇵🇭🇻🇦 Maraming binago at hinamon ng Covid19 Pandemya. Isa na rito ay ang karanasan natin at ang lugar ng pagluluksa natin bilang tao at Pilipino sa panahon ng kamatayan ng mga minamahal natin sa buhay. Hindi kaila sa atin na ito ay isa sa mga karanasan na kailangan natin bilang mga tao. ang magluksa sa panahon ng pagkawala ng mga mahal sa buhay. Ang ating tradisyon ay pinupunuan ang pangangailangan na ito ngunit pati ito ay naapektuhan dajil sa pagsunod ng mga protocol na naayon sa kalusugan natin upang huwag lumaganap ang virus na covid19. Kaya bilang pagtugon sa kakulangan nila at dulot ng aking pagninilay ibinalangkas ko ang isang paraliturhikal na pagkilos at tinawag na "Luksang Parokya", Ito ay isang pagkilala sa pakikiisa at panalangin sa mga mahal nating namatay ngayong ...

Marcos 12, 28b-34

Image
Marcos 12, 28b-34 Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Marcos 12, 28b-34 Noong panahong iyon, lumapit ang isa sa mga eskriba kay Hesus at tinanong siya, “Alin pong utos ang pinakamahalaga?” Sumagot si Hesus, “Ito ang pinakamahalagang utos, ‘Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos – siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas.’ Ito naman ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.” “Tama po, Guro!” wika ng eskriba. “Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng kanyang sarili ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang mga hain.” Nakita ni Hesus na matalino ang kanyang sagot, kaya’t sinabi niya, “Malapit ka nang mapabilang sa mga pina...
Image
Salmo 102, 1-3. 3-4. 9-10. 11-12 Tugon: Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob. Panginoo’y papurihan, purihin mo, kaluluwa, ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina. Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan, at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan. Tugon: Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob. Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad, ang anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat. Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas, at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag. Tugon: Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob. Banayad nga kung magalit, hindi siya nagtatanim; yaong taglay niyang galit, hindi niya kinikimkim. Kung siya ay magparusa, di katumbas ng pagsuway; di natayo siningil sa nagawang kasalanan. Tugon: Ang ating mahabaging D’yos ay nagmamagandang-loob. Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya, gayun ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya. Ang silangan at kanluran kung gaa...