Posts

Showing posts with the label kalungkutan

Memorare (Filipino)

Image
Alalahanin mo, lubhang maawaing Birheng Maria, na kailanman ay di narinig na may dumulog na sa iyo'y nagpapaampon, na lumuluhog na iyong tulungan o hinihingi ang iyong pamamagitan, na iyong pinabayaan. Dala ng pag-asang ito, ako'y dumudulog sa iyo. O Birhen ng mga birhen at aking Ina. Narito ako sa iyong harapan, na makasalanan at lipus ng kalungkutan. O ina ng verbong nagkatawang-tao, huwag mo nawang siphayuin ang aking pagsamo ngunit dinggin mo nawa sa iyong kaawaan. Amen ShareThis Blogs commenting Fr. Jessie's post