Posts

Showing posts with the label labingdalawa

Lukas 6:12-16

Image
Umakyat si Jesus sa bundok para manalangin at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. Nang nag-umaga na tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya ng labindalawa sa kanila na tinawag niyang apostol: Si Simon na pinangalanan niyang Pedro, si Andres na kapatid nito: si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, si Mateo, si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinataguriang Zelota, si Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iskariote na naging tagapagkanulo. Source: Radio Veritas

Biyernes - Enero 20, 2012, Ika-2 Linggo ng Taon (Fabian, Sebastian)

Image
Biyernes - Enero 20, 2012,Ika-2 Linggo ng Taon (Fabian, Sebastian) Unang Pagbasa 2 Samuel 1:1-27 Ang Pagkamatay ni Saul 1 Nang magbalik si David buhat sa matagumpay na pakikidigma laban sa mga Amalekita, tumigil siya ng dalawang araw sa Ziklag. 2 Nang sumunod na araw, dumating buhat sa labanan ang isang lalaking punit ang kasuotan at puno ng alikabok ang ulo. Lumapit ito kay David at nagpatirapa bilang pagbibigay-galang. 3 "Saan ka galing?" tanong ni David. "Tumakas po ako sa kampo ng Israel," sagot ng lalaki. 4 "Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ni David. "Umatras po sa labanan ang hukbo at maraming mga kawal ang napatay. Napatay rin po ang mag-amang Saul at Jonatan," sagot ng lalaki. 5 "Paano mo nalamang napatay sina Saul at si Jonatan?" tanong ni David. 6 Isinalaysay ng lalaki ang pangyayari. "Nagkataon pong ako'y nasa Bundok ng Gilboa. Nakita ko pong hinahabol si Haring Saul ng mga ...