Posts

Showing posts with the label lucas

Lucas 8, 15

Image
Lucas 8, 15 Mapalad ang nag-iingat sa kanyang pusong matapat sa Salitang nagbubuhat sa Poong D’yos ng liwanag, sa t’yaga’y aaning ganap.

Lucas 1, 26-38

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Lucas 1, 26-38 Noong panahong iyon, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. “Matuwa ka! Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos,” wika niya. “Sumasaiyo ang Panginoon!” Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Hesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.” “Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?” tanong ni Maria. S...

Lucas 11, 14-23

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay Lucas 11, 14-23 Noong panahong iyon, pinalayas ni Hesus ang isang demonyong sanhi ng pagkapipi ng isang lalaki, at ito’y nakapagsalita na mula noon. Nanggilalas ang mga tao, ngunit may ilan sa kanila ang nagsabi, “Si Beelzebul na prinsipe ng mga demonyo ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo.” May iba naman nais siyang subukin, kaya’t nagsabi, “Magpakita ka ng kababalaghang magpapakilala na ang Diyos ang sumasaiyo.” Ngunit batid ni Hesus ang kanilang iniisip, kaya’t sinabi sa kanila, “Babagsak ang bawat kahariang nahahati sa magkakalabang pangkat at mawawasak ang mga bahay roon. Kung maghimagsik si Satanas laban sa kanyang kaharian? Sinasabi ninyong nagpapalayas ako ng mga demonyo sapagkat binigyan ako ni Beelzebul ng kapangyarihang ito. Kung ako’y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ni Beelzebul, sino naman ang nagbigay ng kapangyarihan sa inyong mga tagasunod na makagawa ng gayun? Sila na rin ang nag...

Lucas 15, 1-3. 11-32

Image
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay  Lucas 15, 1-3. 11-32 Noong panahong iyon, ang mga publikano at ang mga makasalanan ay nagsisilapit upang makinig kay Hesus. Nagbulung-bulungan ang mga Pariseo at ang mga eskriba. Ang sabi nila: “Ang taong ito’y nakikisalamuha sa mga makasalanan at nakikisalo sa kanila.” Kaya’t sinabi sa kanila ni Hesus ang talinghagang ito: “Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso, ‘Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.’ At binahagi sa kanila ng ama ang kanyang ari-arian. Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili ng bundo ang kanyang ari-arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo’y nilustay na lahat sa di wastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing yaon, at nagdalita siya. Kaya’t namasukan siya sa isang mamamayan ng lupain yaon. Siya’y pinapunta nito sa bukid upang mag-alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagk...

Lucas 15, 18

Image
Lucas 15, 18 Babalik ako sa ama, at aamunin ko siya, sasabihin ko sa kanya: “Ako po ay nagkasala sa D’yos at sa ‘yong pagsinta.”

Lucas 8, 15

Image
Lucas 8, 15 Mapalad ang nag-iingat sa kanyang pusong matapat ng Salitang nagbubuhay sa Poong D’yos ng liwanag, sa t’yaga’y aaning ganap.

Lucas 10:38-42

Image
Si Jesus at ang kanyang mga alagad ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay, at pumasok sa isang nayon. Malugod silang tinanggap sa tahanan nina Marta at ng kapatid niyang si Maria. Naupo ito sa may paanan ng Panginoon upang makinig sa kanyang itinuturo.  Si Marta naman ay abalang-abala sa paghahanda, kaya't lumapit siya kay Jesus at dumaing, "Panginoon, bale-wala po ba sa inyo na pinababayaan ako ng kapatid kong maghanda nang nagiisa? Sabihan nga po ninyo siyang tulungan naman ako."Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, "Marta, Marta, nababalisa ka at abalang-abala sa maraming bagay, ngunit iisa lamang ang talagang kailangan. Mas mabuti ang pinili ni Maria at ito'y hindi aalisin sa kanya.

Linggo - Enero 1, 2012, Maria, Ina ng Diyos

Image
Linggo - Enero 1, 2012 Maria, Ina ng Diyos Unang Pagbasa Bilang 6:22-27 Ang Pagbebendisyon ng mga Pari 22 Sinabi ni Yahweh kay Moises, 23 "Sabihin mo kay Aaron at sa kanyang mga anak na ang mga salitang ito ang bibigkasin nila sa pagbabasbas nila sa mga Israelita: 24 Pagpalain ka nawa at ingatan ni Yahweh; 25 kahabagan ka nawaatsubaybayan ni Yahweh; 26 lingapin ka nawa at bigyan ng kapayapaan ni Yahweh. 27 "Ganito nila babanggitin ang pangalan ko sa pagbabasbas sa mga Israelita at tiyak ngang pagpapalain ko sila." Salmo Awit 67:2-7 2 upang sa daigdig mabatid ng lahat ang iyong kalooban at ang pagliligtas. 3 Purihin ka nawa ng lahat ng tao, purihin ka nila sa lahat ng dako. 4 Nawa'y purihin ka ng mga nilikha, pagkat matuwid kang humatol sa madla; ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa. (Selah) 5 Purihin ka nawa ng lahat ng tao, purihin ka nila sa lahat ng dako. 6 Nag-an...