Posts

Showing posts with the label lunes. dalawangpung

Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga kapatid, nasusulat na si Abraham, ay nagkaanak ng dalawang lalaki; sa alipin ang isa at ang isa’y sa malaya. Ang anak niya sa alipin ay ipinanganak ayon sa karaniwang pangyayari, ngunit ang anak sa malaya ay bunga ng pangako ng Diyos. Ito ay isang talinghaga. Larawan ng dalawang tipan ang dalawang babae. Ang isa’y ang tipan sa Bundok ng Sinai na kinakatawan ni Agar at ng kanyang mga anak na pawang alipin. Ngunit ang Jerusalem na nasa langit ay malaya, at siya ang ating ina. Ayon sa Kasulatan, “Magsaya ka, O babaing hindi nagkaanak! Humiyaw ka dahil sa kagalakan, ikaw na di nakaranas ng pagdaramdam sa panganganak! Sapagkat higit na marami ang anak ng babaing nangungulila kaysa babaing may asawa.” Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo anak ng alipin kundi ng malaya. Pinalaya tayo ni Kristo upang manatiling malaya. Magpakatatag nga kayo, at huwag nang paalipin uli! Ang...