Posts

Showing posts with the label miting

Pulong

Image
Isa sa mga gawain ng mga pari ng vicaria ay ang pagpupulong kahit minsan man lamang bawat buwan. Isang pagkakataon na pagusapan ang mga kasalukuyang kalagayan ng bawat parokya sa bawat vicaria. Bahagi ng pagninilay bilang isang Bayan ng Diyos na makita ang mga mas magandang pamamaraan upang lalong ilapat ang ating pananampalataya sa kasalukuyang panahon. Isa ring pagkakataon upang lalong mapalapit ang bawat pari bilang bahagi ng isang komunidad ng mga pari.

Miting ng Kabataan ng Parokya ni San Agustin

Image
Miting ng mga kabataan. Sa araw na ito sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Misyon at sa araw ng pagtatalaga ng simbahang katoliko kay Pedro Calungsod sa Altar ng mga Banal,  ay pinaalala sa aton ang kahalagahan ng pagbabahagi ng natanggap nating panampalatay ay may malaking ginagampanan ang mga kabataan. Kahapon katatapos lang magkaroon ng isang pagpupulong ang  Apostolado ng Diyosesis sa Banal na Kasulatan para sa mga kabataan dahil nakikita ang malaking lakas na maaring iambag mg mga kabataan sa pagpahayag ng ating pananampalataya.