Linggo - Disyembre 25, 2011, Pasko ng Pagsilang ng Panginoon
Linggo - Disyembre 25, 2011 Pasko ng Pagsilang ng Panginoon Unang Pagbasa Isaias 52:7-10 7 O kay gandang pagmasdan sa mga kabundukan, ang sugong dumarating upang ipahayag ang kapayapaan, at nagdadala ng Magandang Balita. Ipahahayag niya ang tagumpay at sasabihin: "Zion, ang Diyos mo ay naghahari!" 8 Narito! Sisigaw ang nagbabantay, dahil sa galak, sama-sama silang aawit; makikita nila si Yahweh na babalik sa Zion. 9 Magsiawit kayo, mga guhong pader nitong Jerusalem; sapagkat inaliw ng Diyos ang hinirang niyang bayan; iniligtas na niya itong Jerusalem. 10 Sa lahat ng bansa, makikita ng mga nilalang, ang kamay ni Yahweh na tanda ng kalakasan; at ang pagliligtas ng ating Diyos tiyak na mahahayag. Salmo Awit 98:1-6 Si Yahweh ang Hari ng Buong Mundo 1 Kumanta ng bagong awit at kay Yahweh ay ialay, pagkat mga ginawa niya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya at kabanalan ...