Lunes - Enero 9, 2012 Ang Pagbibinyag ng Panginoon (Nazareno) Unang Pagbasa Isaias 42:1-7 Ang Lingkod ni Yahweh 1 Sinabi ni Yahweh, "Narito ang lingkod ko na aking hinirang; ang aking pinili at lubos na kinalulugdan; ibinuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapairal ng katarungan sa mga bansa. 2 Hindi siya makikipagtalo o makikipagsigawan, ni magtataas ng boses sa mga lansangan. 3 Ang marupok na tambo'y hindi niya babaliin, ilaw na aandap-andap hindi niya papatayin; katarungan para sa lahat ang kanyang paiiralin. 4 Hindi siya mawawalan ng pag-asa o masisiraan ng loob, hangga't katarungan ay maghari sa daigdig; ang malalayong lupain ay buong pananabik na maghihintay sa kanyang mga turo." 5 Ang Diyos na si Yahweh ang lumikha ng kalangitan, nilikha rin niya ang lupa at nagbigay-buhay sa lahat ng bagay dito sa daigdig, kaya't sinabi ng Diyos na si Yahweh sa kanyang lingkod, 6 "Akong ...