Posts

Showing posts with the label pakinggan

Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17

Image
Salmo 80, 6k-8a. 8bk-9. 10-11ab. 14 at 17 Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Sa paglabas namin sa bansang mabagsik, ganito ang wika na aking narinig: “Mabigat mong dalay aking iniibis, ipinababa ko ang pasaning basket. Iniligtas kita sa gitna ng hirap, iniligtas kita nang ika’y tumawag. Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Tinugon din kita sa gitna ng kidlat, at sinubok kita sa Batis Meriba. Kapag nangungusap, ako’y inyong dinggin, sana’y makinig ka, O bansang Israel. Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Ang diyus-diyusa’y huwag mong paglingkuran, diyos ng ibang bansa’y di dapat luhuran. Ako’y Panginoon, ako ang Diyos mo, Ako ang tumubos sa ‘yo sa Egipto. Tugon: Tinig ko’y iyong pakinggan, ang sabi ng Poong mahal. Ang tangi kong hangad, sana ako’y sundin, sundin ang utos ko ng bayang Israel; ang lalong mabuting bunga nitong trigo, ang siyang sa inyo’y ipapakain ko; at ang gusto nin...

Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9

Image
Salmo 94, 1-2. 6-7. 8-9 Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Tayo ay lumapit sa ‘ting Panginoon, siya ay awitan, ating papurihan ang batong kublihan nati’t kalakasan. Tayo ay lumapit, sa kanyang harapan na may pasalamat, Siya ay purihin, ng mga awiting may tuwa at galak. Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Tayo ay lumapit, sa kanya’y sumamba at magbigay-galang, lumuhod sa harap nitong Panginoong sa ati’y lumalang. Siya ang ating Diyos, tayo ay kalinga niyang mga hirang, mga tupa tayong inaalagaan. Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’yang salungatin. Ang kanyang salita ay ating pakinggan: “Iyang inyong puso’y huwag patigasin, tulad ng ginawa ng inyong magulang nang nasa Meriba, sa ilang ng Masa. Ako ay tinukso’t doon ay sinubok ng inyong magulang, bagamat nakita aking aking ginawang sila’ng nakinabang.” Tugon: Panginoo’y inyong dinggin, huwag n’yo s’...