Posts

Showing posts with the label pamilya

Pagtatalaga ng Pamilya sa Banal na Pamilya nina Jesus, Maria at Jose

Image
Post by Jessie Somosierra . O Hesus na aming Panginoon at Mananakop, masdan Mo ang aking pamilya na naninikluhod sa Iyong banal na harapan at sa bayan ng Diyos. Itinatalaga namin sa Iyo ang aming sarili, maging sa kahirapan at kasaganaan, kalungkutan at kagalakan. Hinihiling namin na ang aming tahanan ay maging dambana ng kapayapaan, pagmamahalan at pananampalataya. O Diyos, ibinibigay Mong huwaran sa amin ang Banal na Pamilya ng Nasaret. Loobin momg masunod ng aming pamilya ang pagmamahalan at banal na pamumuhay upang matamo namin ang ligaya at gantimpalang walang hanggan sa langit. O Maria, mapagmahal na ina ni Hesus, ikaw ay inangkin naming ina rin. Kung paanong inalagaan mo si Hesus hanggang sa Siya ay lumaki sa dunong at biyaya, gayon dn naman, hinihiling ng aming pamilya na kami ay idalangin sa lahat ng sandali ng aming buhay. O Jose, butihing ama, tagapangalaga nina Hesus at Maria, tulungan mo po kaming manalangin sa lahat ng aming mga kahilingan at...

Album ng pamilyang namimintuho kay San Agustin

Image
Ang album ng pamilyang namimintuho kay San Agustin ay matagal ng nasimulan kaya lang ay naantala ito sa maraming bagay. katulad ng maliit na resolution sa pag scanned nito. Ang panahon ng pagsasaayos at paghihintaya ng mga larawan ay matagal. Hindi pa kasama ang halos isang buwan ng pagkaligaw ng package nang ipinadala ito sa printing press. Ito ay ilan sa mga nilalaman nito. Hindi pa kasama ang pabalat nito at ang aking mensahe. Kung may nais kayong itamo bago ito ilimbag ay maaring ilagay rito upang maayos kaagad. Maraming Salamat! Album ng mga pamilyang namimintuho kay San Agustin - Free Slideshow Maker Album of Families Album of Families1 Album of Families2 Album of Families3

Sitwasyon sa bayan ng Bay, Laguna dulot ng hanging habagat

Image
Kagabi pa dapat ito ihalathala pero dahil sa pagkawala ng linya ng Telepono at ng Internet hindi into naisakatuparan. Noong Martes ang report lamang ng mga naapektuhan ng malakas na ulan dulot ng Hanging habagat ay may roon lamang 300 pamilya sa evacuation centers na nasa baranggay ng Tagumpay, San Isidro, San Antonio, Maitim at Dila. Ngunit kahapon noong pinuntahan na mismo ang mga evacuation centers ay halos triple na ang mga ito. Ito ang report kahapon; Brgy. Tagumpay 185 na pamilya Brgy. San Antonio 256 na pamilya Brgy. San Isidro 70 na pamilya Brgy. Santo Domingo 114 na Pamilya Brgy. Maitim 109 na Pamilya Brgy. Dila 36 na pamilya Brgy. calo 91 na Pamilya kabuoan na 861 na pamilya.