Sabado ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)
San Cosme at San Damian, Mga Martir Mahal na Birheng Maria ng Sabado UNANG PAGBASA Mangangaral 11, 9 – 12, 8 Pagbasa mula sa aklat ng Mangangaral Magalak ka binata sa panahon ng iyong kabataan. Gawin mo ang ibig mo at lahat ng nakaaakit sa paningin mo. Ngunit alamin mong lahat ng ito’y ipagsusulit mo sa Diyos. Iwaksi mo ang alalahanin at mga kabalisahan; ang kabataan at kasibulan ay pawang lumilipas. Alalahanin mo ang lumikha sa iyo sa panahon ng iyong kabataan bago dumating ang mga araw at taon na puno ng kaguluhan, panahong hindi mo na madama ang tamis ng mabuhay. Alalahanin mo ang Diyos bago makubli ang sikat ng araw, bago magdilim ang buwan at mga bituin, bago ka lambungan ng makapal at madilim na ulap. Alalahanin mo siya bago humina ang iyong katawan, bago manghina ang iyong mga bisig, bago mawala ang lakas ng iyong mga tuhod. Alalahanin mo siya bago mabungi ang iyong mga ngipin at bago lumabo ang iyong mga mata. Alalahanin mo nga siya bago ka mawalan ng pandinig, na halos di ...