Posts

Showing posts with the label patawad

Isaias 1, 10. 16-20

Image
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias 1, 10. 16-20 Mga pinuno ng Sodoma, pakinggan ninyo ang sinasabi ng Panginoon; mga namamayan sa Gomorra. pakinggan ninyo ang aral ng ating Diyos. Magpakabuti na kayo, magbalik-loob sa akin; talikdan na ninyo ang masasamang gawain. Tumigil na kayo ng paggawa ng masama. Pag-aralan ninyong gumawa ng mabuti; pairalin ang katarungan; itigil ang pang-aapi; tulungan ang mga ulila; ipagtanggol ang mga balo. “Halikayo at magliwanagan tayo, gaano man karami ang inyong kasalanan, handa akong ipatawad ang lahat ng iyan, kahit na kayo’y maruming-marumi sa kasalanan, kayo’y magiging busilak sa kaputian. Kung kayo’y susunod at tatalima, pasasaganain ko ang ani ng inyong lupain. ngunit kung magpapatuloy kayo sa inyong pagsuway ay tiyak na kayo’y mamamatay.” Ito ang sabi ng Panginoon.

Salmo 78, 8. 9. 11 at 13

Image
Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Huwag mong parusahan kaming mga anak, sa pagkakasala ng aming magulang, ikaw ay mahabag sa mga lingkod mong pag-asa’y pumanaw. Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Mahabag ka sana, kami ay tulungan, Panginoong Diyos na Tagapagligtas, dahil sa ngalan mo, kaming nagkasala’y patawaring ganap at ang pagpupuri sa iyo ng madla’y hindi maglilikat. Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin. Iyong kahabagan ang mga bilanggong kanilang hinuli, dinggin mo ang daing, sa taglay mong lakas, iligtas mo silang takdang papatayin. Kaming iyong lingkod, lingkod mo kaming parang mga tupa sa iyong pastulan, magpupuring lagi’t magpapasalamat sa iyong pangalan! Tugon: Panginoon, aming hiling: patawad sa sala namin.

Daniel 9, 4b-10

Image
Aklat ni propeta  Daniel 9, 4b-10 Panginoon, dakila at Makapangyarihang Diyos na laging tapat sa umiibig sa iyo at sumusunod sa iyong mga utos. Nagkasala po kami. Nagpakasama kami at sumuway sa iyong mga tuntunin at kautusan. Hindi kami nakinig sa iyong mga propeta na nagpahayag sa aming mga hari, tagapamuno, magulang at sa buong bayan. Panginoon, ikaw ay laging nasa matuwid at kami ay laging nasa kasamaan tulad ngayon: ang buong Juda at Jerusalem, ang buong Israel, ang lahat pati mga itinapon mo sa iba’t ibang dako dahil sa kataksilan sa iyo. Kami po, ang aming mga hari, pinuno at ang aming mga magulang ay laging nagkakasala sa iyo. Ikaw, Panginoon, ay mahabagin at mapagpatawad sa kabila ng lagi naming pagsalansang at pagsuway sa mga utos na ibinigay mo sa amin na iyong mga alipin sa pamamagitan ng iyong mga propeta.