Posts

Showing posts with the label saul

Sabado - Enero 21, 2012, Ika-2 Linggo ng Taon (Agnes)

Image
Sabado - Enero 21, 2012 Ika-2 Linggo ng Taon (Agnes) . Unang Pagbasa 2 Samuel 5:1-10 Naghari si David sa Israel at Juda 1 Nagkaisa ang lahat ng lipi ng Israel na pumunta sa Hebron upang makipagkita kay David. Sinabi nila, "Kami'y laman ng iyong laman at dugo ng iyong dugo. 2 Nang si Saul pa ang hari namin, pinangunahan mo ang mga kawal ng Israel sa pakikipagdigma. Ipinangako sa iyo ni Yahweh na ikaw ang magiging pastor ng Israel at ikaw ang mamumuno sa kanyang bayan." 3 Lahat ng pinuno ng Israel ay nagpunta nga sa Hebron at doo'y nakipagkasundo sa kanya sa harapan ni Yahweh. Binuhusan nila ng langis si David at kinilalang hari sa Israel. 4 Tatlumpung taon na noon si David nang siya'y magsimulang maghari, at naghari siya sa loob ng apatnapung taon. 5 Sa Hebron, pitong taon at kalahati siyang namuno sa Juda. Sa Jerusalem naman ay tatlumpu't tatlong taon siyang naghari sa buong Israel at Juda. 6 Nang siya'y maging hari, ...

Biyernes - Enero 20, 2012, Ika-2 Linggo ng Taon (Fabian, Sebastian)

Image
Biyernes - Enero 20, 2012,Ika-2 Linggo ng Taon (Fabian, Sebastian) Unang Pagbasa 2 Samuel 1:1-27 Ang Pagkamatay ni Saul 1 Nang magbalik si David buhat sa matagumpay na pakikidigma laban sa mga Amalekita, tumigil siya ng dalawang araw sa Ziklag. 2 Nang sumunod na araw, dumating buhat sa labanan ang isang lalaking punit ang kasuotan at puno ng alikabok ang ulo. Lumapit ito kay David at nagpatirapa bilang pagbibigay-galang. 3 "Saan ka galing?" tanong ni David. "Tumakas po ako sa kampo ng Israel," sagot ng lalaki. 4 "Bakit? Ano bang nangyari?" tanong ni David. "Umatras po sa labanan ang hukbo at maraming mga kawal ang napatay. Napatay rin po ang mag-amang Saul at Jonatan," sagot ng lalaki. 5 "Paano mo nalamang napatay sina Saul at si Jonatan?" tanong ni David. 6 Isinalaysay ng lalaki ang pangyayari. "Nagkataon pong ako'y nasa Bundok ng Gilboa. Nakita ko pong hinahabol si Haring Saul ng mga ...