Posts

Showing posts with the label solomon

Sabado - Nobyembre 12, 2011,ka-32 na Ordinaryong Linggo (Josefat)

Image
Sabado - Nobyembre 12, 2011      Ika-32 na Ordinaryong Linggo  (Josefat) Unang Pagbasa               Karunungan ni Solomon 18:14–19:9 14 Payapa at tahimik ang lahat, nangangalahati na ang gabi, 15 walang anu-ano'y bumaba ang makapangyarihan mong mga salita, mula sa iyong maharlikang trono sa langit, pumagitna sa lupaing iyon na itinalaga mong wasakin gaya ng mabagsik na mandirigma. 16 Taglay niya ang matalim na tabak ng iyong mga utos. Tumayo siya, ang ulo niya'y abot sa langit, at pinalaganap ang kamatayan sa buong lupain. 17 Walang anu-ano, nakakita sila ng nakakatakot na mga mukha, at sila'y pinagharian ng takot. 18 Kabi-kabila ay may nabubuwal na naghihingalo. Bawat isa'y nagsasabi kung bakit siya namamatay. 19 Ipinagpauna ito sa kanila sa pamamagitan ng isang nakakatakot na panaginip, upang bago sila mamatay ay malaman nila ang dahilan. Iniligtas ang mga Israelita 20 A...

Biyernes - Nobyembre 11, 2011, Ika-32 na Ordinaryong Linggo (Martin ng Tours)

Image
Biyernes - Nobyembre 11, 2011     Ika-32 na Ordinaryong Linggo  (Martin ng Tours) Unang Pagbasa                 Karunungan ni Solomon 13: 1-9 Kahangalan ang Sumamba sa Kalikasan 1 Napakahangal ng mga taong hindi nakakakilala sa Diyos. Nakikita nila ang mabubuting bagay sa daigdig, ngunit hindi nila makita ang Diyos na buhay. Pinag-aaralan nila ang kanyang mga nilalang, ngunit hindi nila nakilala ang lumalang sa kanila. 2 Sa halip, ang apoy, ang mabilis na hangin, ang unos, ang mga bituing naglalayag sa kaitaasan, ang rumaragasang tubig at ang mga bituin sa kalangitan, ang kinilala nilang mga diyos na namamahala sa daigdig. 3 Kung kinilala nilang diyos ang mga ito dahil sa kanilang angking kariktan, dapat ay nalaman nilang higit na dakila ang lumalang sa lahat ng iyan, ang Panginoong Maykapal. Siya ang pinagmulan ng lahat ng kagandahan, ang lumikha sa lahat ng mga ito. 4 Ku...