Posts

Showing posts with the label tagle

Panalangin sa Million March to Luneta

Image
Para sa ikakaayos at mapayapang pagtitipon ngayong araw na ito Agosto 26, 2013 para sa a Million March to Luneta nais kong ibahagi ang panalaning ito ni Arsobispo Luis Antonio Cardinal Tagle PANALANGIN Mapagmahal na Diyos, Salamat po sa Inyong kabutihan sa amin. Salamat sa mga dakilang Pilipino at aming ginigiliw na bayan. Patawarin din po Ninyo kami sa aming pagkakasala, pagmamalabis at pagkukulang. Samahan po Ninyo ang aming pagtitipon sa awaw na ito. Lumambot nawa ang mga pusong nagmamatigas. Mabuksan nawa ang mga matang nabubulagan. Magwika nawa ng katotohanan ang dilang nauutal. Maging payak nawa ang nalulong sa karangyaan. Makipagkapwa tao nawa ang nahuhumaling sa sarili. Marinig nawa naming ang hikbi ng mahihirap. Maglingkod nawa kami nang walang hinahanap na kapalit. Magin marangal nawa kami sa lahat n gaming iisipin at gagawin. Maghari nawa ang Iyong katarungan sa ngalan ni JESUKRISTO at lakas ng Espiritu Santo. Amen. PAHAYAG Mabiyayang Araw ng ...

Homiliya ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa Misa sa Quirino Grandstand sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno January 09, 2012 - Monday

Image
Homiliya ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa Misa sa Quirino Grandstand sa Kapistahan ng Poong Hesus Nazareno January 09, 2012 - Monday Maligayang piyesta po sa inyong lahat. Marami po sa atin ang pumarito at mananatili upang dalhin sa Panginoon ang ating mga panalangin, mga kahilingan, ang ating mga sugat, mga problema, mga hinaing. Sa atin pong pagtitipon, alalahanin natin ang ating mga kapatid natin sa Northern Mindanao at sa ilang bahagi ng kabisayaan na hanggang ngayon po ay nagsisikap bumangon pagkatapos ng Sendong. Alalahanin din natin ang mga kapatid natin sa Compostela Valley na naapektuhan ng landslide, pwede po bang tumahimik tayo sandali mag-alay ng panalangin sa Poong Hesus Nazareno para sa mga kapatid nating nagdurusa. Sa banal na misang ito, tayo po ay sumasamba sa Diyos at nagpupuri sa Kanya, ang atin pong pagtitipon ay laging espesyal basta nagkakatipon sa pangalan ng Diyos, iyan ay espesyal na pagtitipon at tayo ay nagpapasalamat sa ating minamahal na Pre...

Kape't Pandasal- Archbishop Chito Tagle (January 3, 2012)

Image