Posts

Showing posts with the label talaan

Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8

Image
Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8 Tugon: Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Sa gitna ng paghihirap, tinawag ko’y Panginoon, Panginoon, ako’y dinggin pagkat ako’y tumataghoy, dinggin mo ang pagtawag ko’t paghingi ng iyong tulong. Tugon: Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Kung ikaw ay may talaan nitong aming kasalanan, lahat kami ay tatanggap ng hatol mong nakalaan. Ngunit iyong pinatawad, kasalanan ay nilimot, pinatawad mo nga kami upang sa ‘yo ay matakot. Tugon: Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Sabik akong naghihintay sa tulong mo, Panginoon, pagkat ako’y may tiwala sa pangako mong pagtulong. Yaring aking pananabik, Panginoon ay higit pa, sa serenong naghihintay ng pagsapit ng umaga. Tugon: Hiling nami’y ‘yong limutin tanang kasalanan namin. Magtiwala ka, Israel, magtiwala sa iyong Diyos, matatag at di kukupas ang pag-ibig niyang dulot, lagi siyang nahahandang sa sinuman ay tumubo...

Talaan

Image
Ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon na magkaroon ng smartphone. Maraming lumalabas na mga smartphones ngayon sa palenke. Smartphones ang tawag sa mga makabagong generasyong mga telepono na may kapasidad na gamitin ito sa internet at may mga mobile applications. Apat ang pwedeng pagpalian na Smartphones. Una ang Apple, sinusundan ng Android, Pagkatapos ay Rim at panghuli ay Windows. Ito ay ang mga telepono na nabibilang sa magkakaibang sistema ng operasyon. Ang bawat isa ay may napipisil na sa tingin niya ay babagay sa kanyang pag gamit o panlasa. Ang mga nabanggit na mga uri ng smartphones ay may iba ring mga applications dahil magkakaiba ng lengguwahe nila. Dahil sa dami mg lengguwahe lumabas din ang maraming applications. kaya kung anu ang loenguahe ng telepono mo maghahanap ka ng application na magbibigay ng bagay o mga bagay na kailangan mong gamitin. Hindi lahat ng mga applications ay pwedeng gamitin sa lahat ng mga sistema ng operasyon. Mas maganda na kung maghahanap ka ng a...