Posts

Showing posts with the label tawag

Genesis 12, 1-4a, Pagtawag kay Abram

Image
Noong mga araw na iyon, sinabi ng Panginoon kay Abram: “Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo. Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin kong isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at mababantog ang iyong pangalan at magiging pagpapala sa marami. Ang sa iyo’y magpapala ay aking pagpapalain, ngunit kapag sinumpa ka, sila’y aking susumpain; ang lahat ng mga bansa pihong ako’y hihimukin, na, tulad mong pinagpala, sila ay pagpapalain din.” Sumunod nga si Abram sa utos ng Panginoon.

Mateo 9:9-13

Image
9  Sa paglalakad ni Jesus, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo na nakaupo sa singilan ng buwis at sinabi niya rito: “Sumunod ka sa akin.” At tumayo si Mateo at sinundan siya. 10  At habang nasa hapag si Jesus sa bahay ni Mateo, maraming taga­singil ng buwis at iba pang makasa­la­nan ang lumapit at nakisalo kay Jesus at sa kanyang mga alagad. 11  Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang kanyang mga alagad: “Bakit kumakaing kasama ng mga makasa­lanan at maniningil ng buwis ang inyong guro?” 12  Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya: “Hindi ang malulusog ang nanga­ngailangan ng doktor kundi ang mga maysakit! 13  Sige, matutuhan sana ninyo ang kahulugan ng ‘Awa ang gusto ko, hindi handog.’  Hindi ako pumarito para tawagin ang mabubuti kundi ang mga ma­kasalanan.”