Posts

Showing posts with the label wala

Mateo 10: 7-15

Image
7  Ipahayag ang mensaheng ito sa in­yong paglalakbay: ‘Palapit na ang kaha­rian ng Langit.’ 8  Pagalingin ang maysakit, buhayin ang patay, linisin ang mga may­ketong at palayasin ang mga demonyo. Tinanggap ninyo ito nang walang bayad kaya ibigay rin ninyo nang walang bayad. 9  Hu­wag magdala ng ginto, pilak o pera sa inyong mga bulsa. 10  Huwag magdala ng balutan o sobrang damit o sandal­yas o tungkod, sapagkat may kara­patan ang mang­gagawa sa kanyang ikabubuhay. 11  Pagdating ninyo sa isang bayan o baryo, maghanap ng isang taong karapat-dapat at makituloy sa kanya hanggang sa inyong pag-alis. 12  Pagpasok ninyo sa isang tahanan, dasalan ito ng kapayapaan. 13  Kung kara­pat-dapat ang sambahayang ito, sasa­kanila ang kapayapaang dinasal ninyo; kung hindi naman karapat-dapat, babalik sa inyo ang inyong dasal. 14  At kung may bahay o bayang hindi tatanggap sa inyo o makikinig sa inyong mga salita, lumabas sa bahay o bayang iyon at ipa...

Walang Salita

Image
No sound, yan sana ang salitang gagamitin ko. Medyo may kahirapan ang pagsasatagalog o pagsasalin ng wikang Ingles sa Filipino. Ginamit ko na lang ang walang salita. Ito ang nararanasan minsan kapag nanood ng NewsTV ng Gma network. Isang bagong channel na hiwalay sa kinaugaliang channel 7. Maganda ang reception pero wala kang marining, silent movie. Sayang sapagkat dokumentaryo pa naman ito tungkol sa kagubatan na pinamagatang "Born to be Wild"  Maaring dahilan nito ay ang mismong network o ang cable station na bumabato nito patungo sa aming mga TV sets.