Posts

Showing posts with the label walo

Lunes ng Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
UNANG PAGBASA Galacia 4, 22-24. 26-27. 31 – 5, 1 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Galacia Mga kapatid, nasusulat na si Abraham, ay nagkaanak ng dalawang lalaki; sa alipin ang isa at ang isa’y sa malaya. Ang anak niya sa alipin ay ipinanganak ayon sa karaniwang pangyayari, ngunit ang anak sa malaya ay bunga ng pangako ng Diyos. Ito ay isang talinghaga. Larawan ng dalawang tipan ang dalawang babae. Ang isa’y ang tipan sa Bundok ng Sinai na kinakatawan ni Agar at ng kanyang mga anak na pawang alipin. Ngunit ang Jerusalem na nasa langit ay malaya, at siya ang ating ina. Ayon sa Kasulatan, “Magsaya ka, O babaing hindi nagkaanak! Humiyaw ka dahil sa kagalakan, ikaw na di nakaranas ng pagdaramdam sa panganganak! Sapagkat higit na marami ang anak ng babaing nangungulila kaysa babaing may asawa.” Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo anak ng alipin kundi ng malaya. Pinalaya tayo ni Kristo upang manatiling malaya. Magpakatatag nga kayo, at huwag nang paalipin uli! Ang...

Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Image
Linggo ng Mga Katutubo/ Linggo ng Matinding Kahirapan https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=3205713412860578&id=1565396137123434 Posted by Nuestra SeƱora de la Natividad Parish - Pangil, Laguna on  Sunday, October 11, 2020 UNANG PAGBASA Isaias 25, 6-10a Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias Sa Bundok ng Sion, aanyayahan ng Panginoon ang lahat ng bansa, gagawa siya ng isang piging para sa lahat na ang handa’y masasarap na pagkain at inumin. Sa bundok ding ito’y papawiin niya ang kalungkutang naghahari sa lahat ng bansa. Lubusan na niiyang papawiin ang kamatayan, papahirin ng Panginoon ang luha ng lahat; aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan. Kung magkagayon, sasabihin ng lahat: “Siya ang ating Diyos na ating pinagtitiwalaan, ang inaasahan nating magliligtas sa atin; Magalak tayo at ipagdiwang ang kanyang pagliligtas.” Iingatan ng Diyos ang bundok na ito. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5, 6 Lagi akong mananahan sa bahay ...