Lunes - Nobyembre 28, 2011 Unang linggo ng Adbiyento
Unang Pagbasa Isaias 2: 1-5
Kapayapaang Walang Hanggan
1 Ito ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at sa Jerusalem:
2 Sa mga darating na araw,
ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahweh
ang magiging pinakamataas sa lahat ng bundok,
at mamumukod sa lahat ng burol,
daragsa sa kanya ang lahat ng bansa.
ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahweh
ang magiging pinakamataas sa lahat ng bundok,
at mamumukod sa lahat ng burol,
daragsa sa kanya ang lahat ng bansa.
3 Maraming tao ang darating at sasabihin ang ganito:
"Umakyat tayo sa bundok ni Yahweh,
sa Templo ng Diyos ni Jacob,
upang maituro niya sa atin ang kanyang mga daan;
at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas.
Sapagkat sa Zion magmumula ang kautusan,
at sa Jerusalem, ang salita ni Yahweh."
"Umakyat tayo sa bundok ni Yahweh,
sa Templo ng Diyos ni Jacob,
upang maituro niya sa atin ang kanyang mga daan;
at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas.
Sapagkat sa Zion magmumula ang kautusan,
at sa Jerusalem, ang salita ni Yahweh."
4 Siya ang mamamagitan sa mga bansa
at magpapairal ng katarungan sa lahat ng mga tao;
kaya't gagawin na nilang araro ang kanilang mga tabak,
at karit naman ang kanilang mga sibat. Mga bansa'y di na mag-aaway
at sa pakikidigma'y di na magsasanay.
at magpapairal ng katarungan sa lahat ng mga tao;
kaya't gagawin na nilang araro ang kanilang mga tabak,
at karit naman ang kanilang mga sibat. Mga bansa'y di na mag-aaway
at sa pakikidigma'y di na magsasanay.
5 Halina kayo, sambahayan ni Jacob,
lumakad tayo sa liwanag ni Yahweh.
lumakad tayo sa liwanag ni Yahweh.
Salmo Awit 122: 1-9
Awit ng Parangal Para sa Jerusalem
Isang Awit ng Pag-akyat upang Sumamba; katha ni David.
1 Ako ay nagalak nang sabihin nila:
"Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh."
"Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh."
2 Sama-sama kami matapos sapitin,
ang pintuang-lunsod nitong Jerusalem.
ang pintuang-lunsod nitong Jerusalem.
3 Itong Jerusalem ay napakaganda,
matatag at maayos na lunsod siya.
matatag at maayos na lunsod siya.
4 Dito umaahon ang lahat ng angkan,
lipi ni Israel upang manambahan,
ang hangad, si Yahweh ay pasalamatan,
pagkat ito'y utos na dapat gampanan.
lipi ni Israel upang manambahan,
ang hangad, si Yahweh ay pasalamatan,
pagkat ito'y utos na dapat gampanan.
5 Doon din naroon ang mga hukuman
at trono ng haring hahatol sa tanan.
at trono ng haring hahatol sa tanan.
6 Ang kapayapaan nitong Jerusalem,
sikaping kay Yahweh ito'y idalangin:
"Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain.
sikaping kay Yahweh ito'y idalangin:
"Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain.
7 Pumayapa nawa ang banal na bayan,
at ang palasyo mo ay maging tiwasay."
at ang palasyo mo ay maging tiwasay."
8 Alang-alang sa kasama at pamilya ko,
sa iyo Jerusalem, ang sabi ko'y ito:
"Ang kapayapaa'y laging sumaiyo."
sa iyo Jerusalem, ang sabi ko'y ito:
"Ang kapayapaa'y laging sumaiyo."
9 Dahilan sa bahay ni Yahweh, ating Diyos,
ang aking dalangi'y umunlad kang lubos.
ang aking dalangi'y umunlad kang lubos.
Ebanghelyo (Gospel) Mateo 8: 5-11
Ang Pagpapagaling sa Katulong ng Kapitang Romano
5 Pagpasok ni Jesus sa Capernaum, lumapit sa kanya ang isang opisyal ng hukbong Romano at nakiusap, 6 "Ginoo, ang katulong ko po ay naparalisado. Siya po'y nakaratay sa bahay at lubhang nahihirapan." 7 Sinabi ni Jesus, "Pupuntahan ko siya at pagagalingin." 8 Ngunit sumagot sa kanya ang opisyal, "Ginoo, hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking bahay. Sabihin lamang po ninyo at gagaling na ang aking katulong. 9 Ako'y nasa ilalim ng mga nakakataas na pinuno at may nasasakupan ding mga kawal. Kapag inutusan ko ang isa, 'Pumunta ka roon!' siya'y pumupunta; at ang isa naman, 'Halika!' siya'y lumalapit. Kapag sinabi ko sa aking alipin, 'Gawin mo ito!' ginagawa nga niya iyon." 10 Namangha si Jesus nang marinig ito at sinabi niya sa mga taong sumusunod sa kanya, "Tandaan ninyo: hindi pa ako nakakita ng ganito kalaking pananampalataya sa buong Israel. 11 Tandaan ninyo: marami ang darating buhat sa silangan at sa kanluran at dudulog sa hapag na kasalo nina Abraham, Isaac at Jacob sa kaharian ng langit.
Comments
Post a Comment