San Lorenzo Ruiz
Ngayon ay ipinagdiriwang ng boung sangkaKristiyano ang kapistahab ni San Lorenzo Ruiz. Ang unang Filipinong Santo. Isang Martir. Si San Lorenzo ay ipinanganak noong Nobyembre 28 1594 sa Binondo, Manila mula sa isang tatay na Intsik at Filipinang nanay, parehong katoliko. Ang tatay niya ang nagturo ng wikang Intsik at ang kanyang nanay naman ng Filipino. Si San Lorenzo Ruiz ay naglingkod sa mga paring Dominikano bilang sakristan sa simbahan ng Binondo, Ang parokya ng Mahal na Birhen ng Rosaryo na ngayon ay kilala na Basilika Minores ni San Lorenzo Ruiz. Dito rin siya naglingkod bilang escribano o manunulat dahil sa maganda niyang panunulat. Naging miyembro siya ng Samahan ng Banal na Rosaryo (Cofradia del Santissimo Rosario). Napangasawa niya si Rosaryo at nagkaroon ng dalawang anak na lalaki at isang babae. Habang nagtrarabaho siya bilang mamumulat sa kanyang parokya napagbintangan siya noon 1636 na nakapatay sa isang Kastila. Hinangad niyang ...