Ngayon ay ipinagdiriwang ng boung sangkaKristiyano ang kapistahab ni San Lorenzo Ruiz. Ang unang Filipinong Santo. Isang Martir.
Si San Lorenzo ay ipinanganak noong Nobyembre 28 1594 sa Binondo, Manila mula sa isang tatay na Intsik at Filipinang nanay, parehong katoliko. Ang tatay niya ang nagturo ng wikang Intsik at ang kanyang nanay naman ng Filipino.
Si San Lorenzo Ruiz ay naglingkod sa mga paring Dominikano bilang sakristan sa simbahan ng Binondo, Ang parokya ng Mahal na Birhen ng Rosaryo na ngayon ay kilala na Basilika Minores ni San Lorenzo Ruiz. Dito rin siya naglingkod bilang escribano o manunulat dahil sa maganda niyang panunulat. Naging miyembro siya ng Samahan ng Banal na Rosaryo (Cofradia del Santissimo Rosario). Napangasawa niya si Rosaryo at nagkaroon ng dalawang anak na lalaki at isang babae.
Habang nagtrarabaho siya bilang mamumulat sa kanyang parokya napagbintangan siya noon 1636 na nakapatay sa isang Kastila. Hinangad niyang magpakopkop sa mga paring Dominikano na sina Sant Antonio Gonzalez, San Guillermo Courtet, Saint Miguel de Aozaraza, San Vicente Shiwozuka de la Cruz at isang layko na may ketong na si San Lazaro ng Kyoto.Nakaalis sila noong 1936 sa Pilipinas patungong Okinawa.
Pagkarating nila sa Japan ay hinuli sila ng mga Hapones dahil ang pananampalatayang Katoliko noong ay inuusig ng Tokugawa shogunate at kinulong. Halos dalawang taon silang kinulong at pagkatapos ay inilipat sila sa Nagasaki upang lalong pahirapan. Siya at ng kanyang mga kasama ay pinahirapan sa pamamagitan ng maraming pamamaraan na ang paglalagay ng malaking karayom sa pagitan ng daliri at ng kuko.
Siya at ang kanyang mga kasama ay namatay sa pamamagitan ng pagtali sa kanila ng pabaligtad habang ang kanilang ulo ay nasa ilalim ng isang butas hanggang maubusa ng dugo at maubusan ng hininga kaysa sa umalis ng Japan o magtakwil ng pananampalataya. Siya at ang kanyang mga kasama ay namatay noong Septiyembre 28 1637. Kilala siya sa kanyang tinuran, "Ako ay Katoliko, isang libong buhay man ay iaalay ko sa Diyos."
Comments
Post a Comment