Posts

Showing posts with the label ruiz

Lunes ng Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
San Lorenzo Ruiz UNANG PAGBASA Job 1, 6-22 Pagbasa mula sa aklat ni Job Dumating ang panahon na ang mga anghel ng Diyos ay humarap sa Panginoon, at kasama si Satanas. Tinanong ito ng Panginoon, “Ano ang gawain mo ngayon?” “Nagpaparoo’t parito sa lahat ng sulok ng daigdig,” sagot ni Satanas. “Napansin mo ba ang lingkod kong si Job?” tanong uli ng Panginoon. “Wala siyang katulad sa dagidig. Malinis ang kanyang pamumuhay. Siya’y mabuting tao, may takot sa akin, at hindi gumagawa ng masama,” dugtong pa ng Panginoon. Sumagot si Satanas, “Si Job kaya ay matatakot sa iyo nang walang dahilan? Bakit nga hindi siya matatakot sa iyo gayong pinagpala mo siya? Iniingatan mo pati ang kanyang sambahayan at ari-arian. Subukin mong huwag siyang pagpalain, bagkus ay sirain ang lahat niyang tinatangkilik kung di ka niya sumpain.” Sinabi ng Panginoon kay Satanas, “O sige, gawin mo ang gusto mo sa kanyang mga ari-arian, huwag mo lang siyang sasaktan.” At si Satanas ay umalis sa harapan ng Panginoon. Is...

San Lorenzo Ruiz

Image
Ngayon ay ipinagdiriwang ng boung sangkaKristiyano ang kapistahab ni San Lorenzo Ruiz. Ang unang Filipinong Santo. Isang Martir. Si San Lorenzo ay ipinanganak noong Nobyembre 28 1594 sa Binondo, Manila mula sa isang tatay na Intsik at Filipinang nanay, parehong katoliko. Ang tatay niya ang nagturo ng wikang Intsik at ang kanyang nanay naman ng Filipino. Si San Lorenzo Ruiz ay naglingkod sa mga paring Dominikano bilang sakristan sa simbahan ng Binondo, Ang parokya ng Mahal na Birhen ng Rosaryo na ngayon ay kilala na Basilika Minores ni San Lorenzo Ruiz. Dito rin siya naglingkod bilang escribano o manunulat dahil sa maganda niyang panunulat. Naging miyembro siya ng Samahan ng Banal na  Rosaryo (Cofradia del Santissimo Rosario). Napangasawa niya si Rosaryo at nagkaroon ng dalawang anak na lalaki at isang babae.  Habang nagtrarabaho siya  bilang mamumulat sa kanyang parokya napagbintangan siya noon 1636 na nakapatay sa isang Kastila. Hinangad niyang ...