Posts

Showing posts with the label 29

Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
San Juan Capistrano, Pari UNANG PAGBASA Efeso 4, 1-6 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, ako na isang bilanggo dahil sa Panginoon ay namamanhik sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. Kayo’y maging mapagkumbaba, mabait, at matiyaga. Magmahalan kayo at magpaumanhinan. Pagsumikatan ninyong mapanatili ang pagkakaisang mula sa Espiritu, sa pamamagitan ng buklod ng kapayapaan. Iisa lamang ang katawan at iisa lamang ang Espiritu; gayun din naman, iisa lamang ang pag-asa ninyong lahat, dulot ng pagkatawag sa inyo ng Diyos. May isa lamang Panginoon, isang pananampalataya, at isang binyag, isang Diyos at Ama nating lahat. Siya’y higit sa lahat, gumagawa sa lahat, at sumasalahat. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 23, 1-2. 3-4ab. 5-6 Panginoon, ang bayan mo ay dumudulog sa iyo. Ang buong daigdig, lahat ng naroon, may-ari’y ang Diyos, ating Panginoon; ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y ilalim ng lupa, tubig kala...

Huwebes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

Image
San Juan Paulo II, Papa UNANG PAGBASA Efeso 3, 14-21 Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Efeso Mga kapatid, ako’y naninikluhod sa Ama, na siyang pinagtutularan ng pagkaama sa bawat sambahayan sa langit at sa lupa. Hinihiling ko, ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan, na palakasin niya ang inyong buhay espirituwal sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. Nawa’y manahan si Kristo sa inyong puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya upang sa inyong pag-uugat at pagiging matatag sa pag-ibig, maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang, kung gaano kadakila ang pag-ibig ni Kristo. At nawa’y makilala ninyo ang di matingkalang pag-ibig na ito upang mapuspos kayo ng kapuspusan ng Diyos. Sa Diyos na makagagawa nang higit kaysa lahat ng maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin – sumakanya ang kapurihan sa pamamagitan ng simbahan at ni Kristo Hesus magpakailanman! Amen. Ang Salita ng Diyos. SALMONG TUGUNAN Salmo 32, 1-2....

San Lorenzo Ruiz

Image
Ngayon ay ipinagdiriwang ng boung sangkaKristiyano ang kapistahab ni San Lorenzo Ruiz. Ang unang Filipinong Santo. Isang Martir. Si San Lorenzo ay ipinanganak noong Nobyembre 28 1594 sa Binondo, Manila mula sa isang tatay na Intsik at Filipinang nanay, parehong katoliko. Ang tatay niya ang nagturo ng wikang Intsik at ang kanyang nanay naman ng Filipino. Si San Lorenzo Ruiz ay naglingkod sa mga paring Dominikano bilang sakristan sa simbahan ng Binondo, Ang parokya ng Mahal na Birhen ng Rosaryo na ngayon ay kilala na Basilika Minores ni San Lorenzo Ruiz. Dito rin siya naglingkod bilang escribano o manunulat dahil sa maganda niyang panunulat. Naging miyembro siya ng Samahan ng Banal na  Rosaryo (Cofradia del Santissimo Rosario). Napangasawa niya si Rosaryo at nagkaroon ng dalawang anak na lalaki at isang babae.  Habang nagtrarabaho siya  bilang mamumulat sa kanyang parokya napagbintangan siya noon 1636 na nakapatay sa isang Kastila. Hinangad niyang ...

Martes - Nobyembre 29, 2011, Unang linggo ng Adbiyento

Image
Martes - Nobyembre 29, 2011       Unang linggo ng Adbiyento Unang Pagbasa                                 Isaias 11: 1-10 Ang Mapayapang Kaharian 1 Naputol na tulad ng punongkahoy, ang paghahari ng anak ni Jesse. Ngunit katulad ng pag-usbong ng mga bagong sanga sa pinutol na puno, sa lahi niya'y lilitaw ang isang bagong hari. 2 Mananahan sa kanya ang Espiritu ni Yahweh, ang espiritu ng karunungan at pang-unawa, ng mabuting payo at kalakasan, kaalaman at pagsunod at paggalang kay Yahweh. 3 Kagalakan niya ang sumunod at gumalang kay Yahweh. Hindi siya hahatol ayon sa kanyang nakita, o magpapasya batay sa kanyang narinig. 4 Ngunit hahatulan niya ng buong katuwiran ang mga dukha, at ipagtatanggol ang karapatan ng mga kaawa-awa. Tulad ng pamalo ang kanyang mga salita, sa hatol niya'y mamamatay ang masasama. 5 Maghahari...